Sunday, February 27, 2011

Pusong Pilay

 Pusong Pilay
Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales 

                                                                 
Ang puso kong pilay
Bigyan mo sana ng saklay
Ikaw sana sa akin ay umalalay
Upang puso ko ay muling mabuhay

Kahit ako’y isang tanga
Sa puso ko’y walang iba
Walang dapat ipangamba
Sa puso ko, Ika’y nag-iisa

Kahit sino madadaig
Sa ibabaw ng daigdig
Sa ngalan ng pag-ibig
Ibibigay ko lakas at bisig.

Pag-ibig ko’y hindi magmamaliw
Sabihin man nila na ako’y baliw
Paglilingkuran ka aking giliw
Araw-araw ika’y maaaliw

Ang puso ko’y sumisigaw
Damdamin ay humihiyaw
Nagwawala na parang langaw
Pag-ibig ko’y mainit pa sa inihaw.

Lagi kong ihahain
Paborito mong pagkain
Masasarap na lutuin
Kasing tamis ng aking damdamin

0 comments:

Post a Comment

Thank you for taking the time to read my tagalog poems and funny moments