Galatians 1:3-5 New International Version (NIV)

3 Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ, 4 who gave himself for our sins to rescue us from the present evil age, according to the will of our God and Father, 5 to whom be glory for ever and ever. Amen.

ANG MAHAL KONG TATAY

HAPPY FATHERS DAY


MAHAL KONG TATAY
Ni. Lawrence R. Gonzales

 SA PAGKAIN LAGI KANG KASABAY
AKO ANG IYONG PANGANAY
MARAMING SALAMAT SA’YONG GABAY
PANGARAL MO ANG NAGING PATNUBAY.

MGA KUWENTO MONG NAKAKATAWA
KAPAG NARIRINIG KO, AKO’Y SUMASAYA
SANA’Y KASAMA PA KITA
ANG MINAMAHAL KONG AMA.

IKAW ANG AKING TAGAPAGTANGGOL
MULA PA NOONG AKO’Y SANGGOL
AKO AY HINABOL NG ASO ANG ULOL
BIGLA KANG DUMATING AT IYONG PINUKOL
SA SOBRANG TAKOT AKO AY NABULOL.

AKO AY NASAKTAN AT NAPILAYAN
HINDI MAKALAKAD SA KABUKIRAN
AKO AY PINASAN SA’YONG LIKURAN
AT AGAD DINALA SA PAGAMUTAN.

NANG MAKITA KA SA HOSPITAL
ANG PUSO KO AY TILA NAPIGTAL
UNTI-UNTI AKONG NAUUTAL
AT PARANG AKO AY SINASAKAL.

ANG MAHAL KONG TATAY
ANG TULA KO’Y SA’YO INAALAY
SANA’Y KAPILING KA AT GABAY
SA PUSO KO’Y MANANATILI KANG BUHAY.
1 Response
  1. Anonymous Says:

    nakakatouch ...ang ganda ng iyong tula ...