Galatians 1:3-5 New International Version (NIV)

3 Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ, 4 who gave himself for our sins to rescue us from the present evil age, according to the will of our God and Father, 5 to whom be glory for ever and ever. Amen.

DAHIL SA KASALANAN


DAHIL SA KASALANAN
Ni: Lawrence R. Gonzales

DAHIL SA AKING KASALANAN
LAGI KITANG INIIWASAN
MADALAS KITANG TALIKURAN
MUNTIK NA KITANG KALIMUTAN.

DAHIL NAIS KO AY KALIGTASAN
PATAWAD SA AKING ALINLANGAN
KAMAY KO AY IYONG HAWAKAN
AT H’WAG MO AKONG BITIWAN.

ILAYO MO AKO SA KAPAHAMAKAN
SA KASALANANG LABIS NA PINAGSISIHAN
MAY DALA ITONG KABIGATAN
ANG DAMDAMIN AY NAHIHIRAPAN.

DUMANAS NG KABIGUAN
AT LABIS NA KALUNGKUTAN
NALUBOG SA KAHIRAPAN
ANG PUSO AT ISIPAN.

SA GITNA NG KADILIMAN
LUMULUTANG ANG ISIPAN
AT HINDI MALAMAN
ANG LANDAS NA PATUTUNGUHAN.

SINAMBIT ANG KANYANG PANGALAN
NAGDASAL SA KANYANG NGALAN
HESUS AKO’Y IYONG TULUNGAN
ILIGTAS AT ILAYO SA KASALANAN.

ITURO MO SA’KIN ANG TAMANG DAAN
ANG LANDAS NG KABUTIHAN
NA MAY PAGMAMAHALAN
PATUNGO SA IYONG GINTONG KAHARIAN.
0 Responses