Galatians 1:3-5 New International Version (NIV)

3 Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ, 4 who gave himself for our sins to rescue us from the present evil age, according to the will of our God and Father, 5 to whom be glory for ever and ever. Amen.

Boksingero


BOKSINGERO
Ni: Lawrence R. Gonzales

NAGDADASAL BAGO LUMABAN
PARA HINDI NIYA AKO PABAYAAN
PAGKAT MALAKAS ANG AKING KALABAN
BAKA HINDI KO S’YA MAKAYANAN.


BAGO SIMULAN ANG MATINDING BAKBAKAN
DAPAT SUBUKAN ANG KANYANG KAKAYAHAN
BAKA SUNTOK N’YA AY DIKO MAPIGILAN
DAPAT KO MUNA S’YNG IWASAN.


ISANG SUNTOK ANG PAKAKAWALAN
UPANG MAGBIGAY NG PALATANDAAN
HANDA NA AKO SA ATING SALPUKAN
BIBIGYAN KITA SA TAGILIRAN.


MAGIGING MAGASPANG ANG ASAL
NA TILA MAY KATAWANG BAKAL
ISANG PANGIL NA PANGKALAKAL
NA SA’YO AY SASAKMAL.


ANG BAWAT SUNTOK NA BINITIWAN
HINDI KO NA ITO MARAMDAMAN
SA DAMI NG PINAKAWALAN
HINDI KO NA MAIWASAN.


SA GITNA NG HIYAWAN
AT MATATALIM NA TITIGAN
ISA LAMANG ANG NASA ISIPAN
HINDI KITA PAGBIBIGYAN.


TAYO AY MAGKUWENTUHAN
SA PARAAN NG SUNTUKAN
TAYO MAGSASAGUTAN
NG WALANG ATRASAN
HANGGANG SA KATAPUSAN.


NAGING TABLA ANG LABAN
AT DIKO INAASAHAN
HALOS MADUROG ANG KATAWAN
DIRETSO SA PAGAMUTAN.
0 Responses