Galatians 1:3-5 New International Version (NIV)

3 Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ, 4 who gave himself for our sins to rescue us from the present evil age, according to the will of our God and Father, 5 to whom be glory for ever and ever. Amen.

Gupit Dora



GUPIT DORA

NAGPAGUPIT PARANG DORA
BAGAY NAMAN AT MAGANDA
KAHIT ANO PANG SABIHIN NILA
H’WAG MONG HAYAAN NA GULUHIN KA NILA.

MAY TATALO PABA SA TAMIS NG NGITI
MAKINTAB NA BUHOK NA PINAIGSI
MAGANDANG KUTIS NA SADYANG MAPUTI
IKA’Y BITUIN SA LANGIT NA PALAMUTI.

NAKAPILA ANG MANLILIGAW
KAHIT SA GITNA NG ARAW
NAKABILAD PARANG KALABAW
NAIS KA LANG MATANAW.

LABIS YATANG NABIGHANI
DAHIL SA’YO HINDI MAKAUWI
PAGKAT INIISIP KANG LAGI
NAKALIMUTAN ANG DAAN PAUWI.

HINDI MAKALAPIT KAHIT GUSTONG MAGLAMBING
BAKA MAPAHIYA AT SA IBA KA BUMALING
ISANG SULYAP LANG ANG HINIHILING
BUMULI KA NAMAN TINDA KONG ULING.


0 Responses