Driver ng Jeep
Driver ng Jeep Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales Created: October 11, 2011 - Revised: September 12, 2020 May driver na mabait Yung sukli binabalik Meron namang kainis Yung parang walang naririnig. Ang driver na sweet lover Sa pag-ibig parang flying saucer Matulis pa sa screw driver Kung mambola tagos hanggang liver. Kapag may seksing sumakay Parang gustong umakbay Pag holdaper ang sakay Tatalon kahit sa tulay. Ang driver kapag tinoyo kahit malapit kana sa kanto ilalagpas pa ng preno Ikaw pa masama sa kuwento. Hari daw ng kalsada Mas sikat pa sa kalesa Araw-araw ay bida Tulad ng sikat na artista. Kapag mainit ang ulo Nagiging barumbado Inaaway pati pasahero Nauuwi sa basag-ulo. Kung magmaneho bara-bara Ang tamaan pasensya Wala naman pambayad sa disgrasya Walang ingat sa kalsada. Ang mahal ng gasolina Konti lang ang kita Paano kaya magkakasya Para sa kanyang pamilya. Gumigising ng maaga Para kumita ng pera Maghapon papasada May pulis na eeksena. Nasaan a...