Posts

Showing posts with the label Funny Poems

Malabong Mata

Image
Malabong Mata Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Created: July 22, 2020 - Last Modified: 8:26pm  September 5, 2020 Ako ba'y dinadaya ng aking mata O nabubulagan lamang sa iyong ganda Alam kong malabo aking mata Pero ano itong aking nakikita Naka-aninag ng maganda. Kailangan kong isuot yung salamin Upang matiyak nang paningin Pero nakalimutan kong dalhin Isang sulyap na lang isang tingin. Ang sabi nila maganda ka raw Kung tumingin nakakatunaw Gumaganda lalo ang araw Kapag ikaw lang ang tinatanaw. Kamukha mo yung asawa ko Malabo lang siguro paningin ko Ikaw ba iyan? Mahal ko Nagbibiro lang ako.

Driver ng Jeep

Image
Driver ng Jeep Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales Created: October 11, 2011 -  Revised: September 12, 2020 May driver na mabait Yung sukli binabalik Meron namang kainis Yung parang walang naririnig. Ang driver na sweet lover Sa pag-ibig parang flying saucer Matulis pa sa screw driver Kung mambola tagos hanggang liver. Kapag may seksing sumakay Parang gustong umakbay Pag holdaper ang sakay Tatalon kahit sa tulay. Ang driver kapag tinoyo kahit malapit kana sa kanto ilalagpas pa ng preno Ikaw pa masama sa kuwento.   Hari daw ng kalsada Mas sikat pa sa kalesa Araw-araw ay bida Tulad ng sikat na artista. Kapag mainit ang ulo Nagiging barumbado Inaaway pati pasahero Nauuwi sa basag-ulo. Kung magmaneho bara-bara Ang tamaan pasensya Wala naman pambayad sa disgrasya Walang ingat sa kalsada. Ang mahal ng gasolina Konti lang ang kita Paano kaya magkakasya Para sa kanyang pamilya.   Gumigising ng maaga Para kumita ng pera Maghapon papasada May pulis na eeksena. Nasaan a...

Kahit na Masungit

Image
KAHIT NA MASUNGIT Ni. Lawrence R. Gonzales April 6, 2011 AKO’Y NAGTUNGO SA ISKWELA MAGANDANG BABAE NAKILALA NGUNIT MAY PROBLEMA SIYA AY SOBRANG SUPLADA. KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT ANG CUTE N’YA MAGALIT ANG KANYANG MATA NA SINGKIT LALO ITONG LUMILIIT. KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT SA BATA AY MABAIT TINUTURUAN ANG MALIIT KAHIT NA IYONG BATANG MAKULIT. KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT MINSAN LANG MAGALIT KAPAG MAY TAONG MALUPIT ANG ULO N’YA AY UMIINIT. KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT PUEDE BA KONG MANGULIT PAG-IBIG KO’Y IPIPILIT KAHIT NA S’YA AY MABWISIT.

Bagong Kasal

Image
Bagong Kasal Isinulat ni Lawrence R. Gonzales February 27, 2011 Tayo ay nagpakasal Pero ako ay nasakal Sa luto mo parang bakal Parang ako'y nagpatiwakal. Ikaw ay nagluto ng sinaing Pero ito'y naging uling. Kahit ipakain sa kambing Siguradong maduduling Ako'y nagpaluto ng paborito Masarap na ulam adobo Iniwan mo naging tostado Kaya yung kulay parang chonggo Aking mahal huwag magalit Yung luto mo diko nilalait Ang pagkain natin laging mapait Katibayan ba ito na ika'y galit. Bakit noon masarap yung luto Bakit ngayon tila naglaho Nagbago ang pakikitungo O bumibili ka lang ng luto. Sa tuwing aakyat ng ligaw May nakahandang masarap sa sabaw Nakakapawi ng uhaw Nainggit pati ang langaw. Aking nalaman ang pinagmulan Di inaasahang ito'y matuklasan Sikreto ng pagkain na malinamnam Inorder lang pala sa restaurant. Kaya pala masarap ang pagkain Mabilis karing maghain Konti lang yung hinain Masarap kainin. Mahal kita walang iba Kahit ulam natin tinapa Ikaw parin sinta Mahal kita,...