Tula ng Pasasalamat
Tula ng Pasasalamat Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales February 8, 2011 Kapag puso'y tumugon Isip ay babangon At hindi maglalaon Pintig ng puso'y tatalon. Tangi kong dalangin Sana tula ay palarin Sana ay tangkilikin Kahit minsan ay basahin. Sana ay mapansin Tulang may damdamin May mabuting hangarin Laman ng puso ay dinggin. Mamaraming salamat sa pagbisita Sa website kong pinaganda Upang maging kahali-halina Para sa taong mambabasa. Maraming salamat sa comment ng lahat Aking damdamin nailalahad Sa maikling sulat na may pamagat Tulad ng kuwento ng mga alamat. Sa aking tula may nagpasalamat Nakatulong maghilom kanilang sugat Minsan nahimbing at ako'y nagulat Nais ko palang maging manunulat. Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales Makatang Pinoy - February 8, 2011