Posts

Showing posts from June, 2011

Mahal kong Tatay - Happy Father's Day

Image
Happy Father's Day Mahal kong Tatay Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales June 19, 2011   Sa Pagkain lagi kang kasabay Ako ang iyong panaganay Maraming salamat sa iyong gabay Pangaral mo ang naging patnubay. Mga kuwento mong nakakatwa Kapag narinig ko, ako'y sumasaya Sana'y kasama pa kita Ang minamahal kong ama. Ikaw ang aking tagapagtanggol Mula pa noong ako'y sanggol May gumalang aong ulol Bigla kang dumating at iyong pinukol Sa sobrang takot ako ay nabulol. Ako ay nasaktan at napilayan Hindi makalakad sa kabukiran Ako'y pinasan sa iyong likuran At dinala sa agad sa pagamutan. Nang makita ka sa hospital Ang puso ko'y tila napigtal Unti-unti akong nauutal At parang ako'y sinasakal. Ang mahal kong tatay Ang tula ko sa'yo inaalay Sana'y kapiling ka at gabay Sa puso ko ikaw ay buhay.

Bayani

Image
BAYANI Isinulat ni Lawrence R. Gonzale s Created: June 16, 2011 - Revised: September 15, 2020   Maraming taon ang lumipas Silang mga bayani ng pilipinas Ala-alang hindi kumukupas Tulad ng magandang palabas. Si Lapu-lapu unang bayani May gustong sumakop at mang-api Ang naging laban ay matindi Kalaban nabigo at nagapi Jose Rizal ang pambansang bayani Talino ginamit sa mabuti Inilahad sa libro ang mga pang-aapi Sa sariling bayan gianwang taga silbi. Andres Bonifacio Ama ng katipunan Lumaban para sa kalayaan Hindi natakot sa baril ng dayuhan Hindi nagtaksil sa hanggang kamatayan. Apolinario Mabini ang dakilang lumpo May kapasanan pero matalino Sa himagsikan ginawang tagapayo Para turuan ang katipunero. Antonio Luna kahit laging mainit ang ulo Sa bayan ang kanyang serbisyo Ayaw n'ya ng matakaw sa pwesto Siya ay tapat na tao. Pag-ibig sa bayan hindi pinag-kait Gustong talunin dayuhang malupit Tayo'y inaapi at nilalait At niloloko ng paulit-ulit.   Parang mundo ay maliit Kap...

Kahit na Masungit

Image
KAHIT NA MASUNGIT Ni. Lawrence R. Gonzales April 6, 2011 AKO’Y NAGTUNGO SA ISKWELA MAGANDANG BABAE NAKILALA NGUNIT MAY PROBLEMA SIYA AY SOBRANG SUPLADA. KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT ANG CUTE N’YA MAGALIT ANG KANYANG MATA NA SINGKIT LALO ITONG LUMILIIT. KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT SA BATA AY MABAIT TINUTURUAN ANG MALIIT KAHIT NA IYONG BATANG MAKULIT. KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT MINSAN LANG MAGALIT KAPAG MAY TAONG MALUPIT ANG ULO N’YA AY UMIINIT. KAHIT NA S’YA AY MASUNGIT PUEDE BA KONG MANGULIT PAG-IBIG KO’Y IPIPILIT KAHIT NA S’YA AY MABWISIT.

Mighty Mouse

Image
MIGHTY MOUSE Ni. Lawrence R. Gonzales AKO SI MIGHTY MOUSE ANG SUPER DAGA KALABAN NG SALBAHENG PUSA TAGAPAGLIGTAS NG MGA DAGA HUWAG MATAKOT AKO ANG BAHALA. SA ORAS NG PANGANIB KUMABA BA MAN ANG IYONG DIBDIB KAHIT NA SA LUGAR NA LIBLIB SA LAKAS KO IKAW BIBILIB. ANG MGA PUSANG ITIM ANG PANGIL AY MATALIM MAY KUKONG MAITIM DELIKADO KA SA DILIM. ANG KATULAD KONG DAGA KAPAG NAHULI NG PUSA KAPAG IKA’Y MALIIT AT MAHINA TIYAK NA IKA’Y KAWAWA. IKAW ANG KANILANG BOSS TAYO AY MAGTUTUOS TIYAK NA IKA’Y MALALAOS GAGAWIN KITANG PARALUSDOS TANGGALIN ANG KANILANG GAPOS.