Posts

Showing posts with the label Paalam Tatay

Paalam Tatay

Image
Paalam Tatay Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales October 15, 2011  Ang mahal kong tatay Isang linggo ika'y nakaratay Aking dalangin huwag sanang humimlay Laging nagdarasal na ika'y magkamalay. Ang mga tao sa bahay Pagbabalik mo ay hinihintay Mga nagmamahal pati kapit-bahay Pinagdarasal nila ang iyong buhay. Ang iyong anak ay naglalambing Pakiusap huwag ka sanang mahimbing Manatili ka sana, Ang tangi kong hiling Nais kong makita ka na ika'y gising. Subalit hindi ko inaasahan Sa piling ko ikaw ay lilisan Tunay ngang buhay ng tao, may katapusan Hinding-hindi kita malilimutan. Habang ika'y narito sa himlayan Asahan mong lagi, ika'y babantayan Pagkat pagmamahal ko'y walang hangganan Tulad ng kalawakan, walang katapusan. Sa iyong paglisan, mayroong kalungkutan Ngunit kapalit nito'y iyong kapayapaan Ngayo'y natagpuan tunay na katahimikan Doon sa langit na may kalayaan. Ika'y ihahatid sa huling hantungan Sa huling pagkakataon, ika'y masilay...

Paalam Tatay

Image