Posts

Showing posts from September, 2022

Pasalubong

Pasalubong: Mommy: wow tatlong saging, I love you ba ibig sabihin nito. Daddy: kumain sa mesa, kinain yung saging. Mommy: wow, siya pala kakain ng dala nya, akala ko para sa'kin, ang sweet na sana. Anak: Daddy, kinain mo nalang sana sa daan yan, dinala mo pa dito. Daddy: hahaha

Prinsesa

Image
Prinsesa ni. Lawrence R. Gonzales Revised: Nov. 11, 2021 Magmula nang Ika'y Masilayan Mga mata nati'y nagkatinginan Sa Puso ko'y may kaguluhan Parang manok nagtilaukan. Ganda ng buhok nakabibighani Napakaganda mo kung ngumiti Masilayan ka'y hinahangad kong lagi Kasiyahan kong makita kang muli. Sa tulad mong magandang binibini Laman ng puso'y di kayang ikubli Damdaming hindi mapakali Kailan kaya ito masasabi. Ika'y prinsesa sa gitna ng madla Ako'y nahalina sa maganda mong mukha Tulala at hindi makapagsalita Parang kulog na sa akin ay bumigla. Kung sakaling ako'y makalapit Huwag naman sanang ipagkait Ang makausap ka'y ipipilit Hindi ako nasisiraan ng bait.  Kung ang dila ko may pilipit Dahil sa ako'y umiibig Pakiramdam ng puso'y iniipit Kapag hindi ako nakalapit. Paumanhin ako'y makulit Yung puso ko kasi masakit Mawawala itong sakit kung tayo'y magkakalapit.

Para sa mga Mag-asawa

Image
Tandaan ninyo! ang inyong asawa ay kabiyak ng inyong puso at bahagi na siya ng inyong katawan sapagkat kayo'y iisa, katulad ng pakikipag-isa ninyo kay Lord Jesus. Kung kaya't huwag ninyong ituring na parang katulong ang inyong asawa sapagkat mayroon kayong karapatan at tungkulin sa isa't-isa. 1 Pedro 3:3-7 Katuruan Para sa mga Mag-asawa

Nakalimutan mo naba nung ikasal kayo?

Image
  Nakalimutan mo naba nung ikasal kayo? "I, _____, take thee, _____, to be my wedded wife/husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge thee my faith." Marcos 10:10 Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Jesus tungkol sa bagay na ito. 11 Sinabi niya sa kanila, “Kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang asawa. 12 Gayon din naman, ang babaing magpalayas at humiwalay sa kanyang asawa, at mag-asawa ng iba ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”

Palasagot sa asawa

Image
  Ang mga lalake astig sa bahay yan, palasagot sa asawa. Ako: Anong sabon pang-babad? Wife: nariyan sa lagayan, liquid na ariel. Ako: powder ba iyon? Wife: Wow liquid kaya sabi ko Ako: mas maganda powder

Divorce

Divorce - kapag usapang Kristiyano syempre NO yan dahil alam naman natin ang isasagot nang iba, pero kapag usapang hindi Kristiyano YES yan dahil para sa iba solusyon yan para maging malaya. Ganito ang sabi ni Apostol Pablo sa 1 Corinto 7:12 Sa iba naman, ito ang sinasabi ko ako ang nagsasabi at hindi ang Panginoon: 15 Kung nais namang humiwalay ng asawang hindi mananampalataya sa kanyang asawang sumasampalataya, hayaan ninyo siyang humiwalay. Sa gayong mga pagkakataon, ang hinihiwalayan ay malaya na sapagkat tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. SND - MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA PAG-AASAWA 1 Corinto 7:3 Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman ang babae. 6 Ang sinasabi ko'y hindi utos kundi pang-unawa sa inyong kalagayan. 1 Corinto 7:10 Ito naman ang iniuutos sa mga may asawa, hindi mula sa akin kundi mula sa Panginoon: huwag makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa. 11 Ngunit kung siya'y hihiwalay, manatili siyang walang asaw...

Pantalon

Image
  Usapang mag-asawa Wife: Dad, may pantalon ba ko sa mga nakatupi? Ako: tingnan mo kung may kakasya sa'yo Wife: ang sama mo asawa ba kita? Ako:

Usapang bingi

Image
  Usapang bingi Mommy: Daddy kinuha moba yung points ko sa globe di ako maka redeem? Ako: Oo kinuha ko yung coins pinambili ng puto. Mommy: Dad, points hindi coins ayan tayo eh hindi ka kasi nakikinig sa'kin pag may sinasabi ako eh Ako:

Naglilihi ka ba?

Image
  Usapang mag-asawa Ako: lumiliit yung damit ko hindi maganda magpalaba dun sa laundry shop umuurong yung damit ko Mommy: talaga lang ha! Yung laundry pa talaga sinisi mo ha! Ako: may event ka ba ngayon? Mommy: oo bakit? Ako: pasalubong bili ka ng jollibee spaghetti family pan at gusto ko yung jolly peach mango pie, jolly tuna pie, jolly buko pie Mommy: naglilihi kaba?