Posts

Showing posts from October, 2012

Pagsilang ng Mesiyas

Image
Pagsilang ng Mesiyas ni. Lawrence R. Gonzales October 18, 2012 Isang anghel ang biglang lumabas Mensaherong nagmula sa itaas Upang ihayag, ang pagdating ng Mesiyas Ang nag-iisang tagapagligtas. Isang hari ang ipinanganak Ang sabi ng anghel tayo'y magalak Mapalad ang taong mahihirap Narito na ang Diyos na sa atin ay lilingap.. Isang bituin ang tila nagningas Nagsilbing ilaw ng mga pantas Upang mahanap ang tamang landas Sa kinaroroonan ng mesiyas. Si haring herodes ay marahas Ang tulad niya ay parang ahas Binalak linlangin ang mga pantas Kanyang kabaitan ay isang palabas. Inutos ng hari mga bata ay patayin Kahit mga sanggol ay hindi patatawarin Akala ng hari trono ay aagawin Kung kaya't si Hesus ay nais niyang paslangin.. Sa tulong ng anghel sila'y nakatakas At sa panganib sila'y nakaligtas Sa Bethlehem lihim silang nakalabas Lumaki ang bata na matalino at malakas.

Gupit Dora

Image
Gupit Dora ni. Lawrence R. Gonzales October 24, 2012 Nagpagupit ng buhok tulad ni Dora Bagay naman at maganda Kahit ano pang sabihin nila Huwag mong hayaan na guluhin ka nila. May tatalo paba sa tamis ng ngiti Makintab na buhok na pinaigsi Magandang kutis na sadyang maputi Parang bituin sa langit na palamuti. Nakapila ang iyong manliligaw Kayraming gustong dumalaw Matiyaga parang kalabaw Hindi sumusuko kahit mainit ang araw. Labis yata silang nabighani Dahil sa iyo hindi na makauwi Pagkat ikaw iniisip lagi Nakalimutan yata daan pauwi. Hindi makalapit, kahit gustong malambing Baka mapahiya at sa iba bumaling Isang sulyap lang hinihiling Napakalambing ng iyong dating.

Ang Puso Mo

Image
Ang Puso mo ni. Lawrence R. Gonzales October 24, 2012 Wala akong nakitang kahinaan mo Kundi kalakasan na taglay mo Kahit malumanay ang salita mo Mananatiling malakas ang puso mo Ang karunungan mong taglay Wala itong kapantay Diyos ang magpapatunay Minamahal ka niyang tunay Upang gumaan ang iyong kalooban Luha ay huwag mong pigilan Hayaan mong lupa ay bagsakan Sabay tawag sa kalangitan Sinabi ng Diyos, "Hindi kita iiwan" (Hebreo 3:5) Kasama mong lagi, saan ka man pumaroon Para sa iyong kaligtasan at kapanatagan Kahit mga anghel uutusan ngayon (Awit 91) Kahit ika'y mahirapan ngayon At masaktan sa pangit na sitwasyon Huwag sanang kalimutan, laging tandaan Diyos parin ang matibay na tanggulan (Kawikaan 18:10)