Mahal Pa Rin
Mahal Pa Rin Isinulat ni Lawrence Gonzales January 25, 2025, 7:26Pm Hindi magsasawang pagmasdan Lalo na't ika'y minamahal Para sa'kin Ang iyong kagandahan Ay tulad parin Nung tayo'y kabataan. Kahit lagi Kang Galit Hindi kita ipagpapalit Kapag ika'y masungit Kunwari di kita nadidinig. Kahit ako'y batohin Buong pusong sasaluhin Ang ibig kong sabihin Ika'y mahal parin.