Eternal Love of Dream
Eternal Love of Dream Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Tagalog Poem #46 - Revised Version Dahil sa titig mo Ako’y nabihag mo Parang minagic mo Natulala sa harap mo. Kapag ika’y tumitingin Parang hangin na dumarating May saya sa damdamin Parang nililipad ng hangin. Kapag wala ka sa'king tabi Ako’y hindi mapakali Para kang nagkukubli Hindi ka naman nagsasabi. At kung hindi ka magbalik Dulot nito’y sakit Sa pakiramdam mapait Nabubuhay sa pananabik. Kung minsa'y nagdaramdam Kapag puso'y nasasaktan Lalo na't hindi alam Kung ako ba'y minamahal. Lagi kang pinagmamasadan Saan ma'y sinusundan Nakabantay nang di alam Lihim kang minamahal. Kahit hindi ikaw ang kapalaran Gusto ko paring subukan Ipilit ang pagmamahal Baka sakaling pagbigyan. Kahit mahirapan man ako Basta magkasama tayo Sa pag-ibig na ito, hindi malilito Kung ikaw at ako, sa aking mundo.