Sa larong chess kapag hinamon ka ng kaaway na queen to queen huwag kang kakagat dahil ikaw din ang mahihirapan maliban na lamang kung wala kang ibang daan o choice kailangan mong makipagsapalaran sa mahirap na buhay. Parang si satanas ilalagay ka niya sa bingit ng kamatayan at kahihiyan pero nasa iyong laban o desisyon kung ika'y mabibigo o susuko na lamang, kailangan mong protektahan ang Hari at kanyang karangalan hanggang wakas at siya ang iyong Panginoong Jesus.
kapag bata kapa tumatakbo ang buhay at isip mo sa ilusyon ng napapanood mo sa TV, gustong maging Hero na may power. Minimum push-up 30 at maximum 50 ganun din sa sit-up, may side split at center split ka pa nga na ginagaya si Jean Claude Van Damme, naghahanap ng anting-anting o agimat sa gubat gaya ni Pedro Penduko at kinakausap ang mga hayop tulad ni Beast Master. Gustong maging Pulis kalawakan tulad ni Shaider, Lahat ng tao parang gusto mong awayin dahil sa masasamang ugali mukha silang monster. Ang panahon ng kabataan ay masaya at walang problema, yun nga lang mapusok at sarili lang ang inaalala.
Ang buhay ng tao ay parang sa langgam masipag at laging naghahanap ng kanyang ikabubuhay, subalit hindi niya nalalaman na sa gitna ng kanyang kaabalahan ay mayroong kapahamakan sapagkat mali ang landas na kanyang nilalakaran, dahil sumusunod lang sya sa karamihan.
Kung minsan ang buhay parang chess lang 3 moves lang tapos kana at kapag touch move naman kasubuan na, anuman ang mangyari kailangan mong tanggapin dahil alam mong mali ka na, kaya natututo tayong mag-ingat at mag-isip na mabuti.
Kung minsan ang buhay parang comedy lang kailangan mong pagtawanan yung mga kapalpakan mo sa bahay nagsalin ka ng tubig sa water dispenser sira pala yung galon, habang nagpapaligo ka ng aso bumabaha na pala yung kusina, inalis mo yung galon sa dispenser para mag alis ng tubig tapos need mong maglimas ng tubig sa sahig dahil maraming tumapon at dahil walang takip yung dispenser kumuha ka ng plato para itakip pero nang ipagpag mo sa palad mo nasira yung plato at nabutas yung gitna at biglang sasabihin ng anak mo "lagot ka kay mommy konti na nga lang plato natin nasira mo pa, trouble maker ka daddy"
June 24, 2020 THE SPONGE BOB GREEN LANTERNS OATH ANG BASO AY HAWAKAN PINGGAN AY HUGASAN TAPOS AY INGATAN HINDI KA MABABASAGAN KAPAG INUTUSAN WALANG PADYAKAN
Funny Moments: June 4, 2020 Ang maruming pinggan Bow Daddy: pag-uwi ng bahay Wow daming hugasin Mommy: inuutusan kasi kita kanina para bumili ng joy bago ka umalis hindi mo ginawa. Daddy: Ganun ba! Eh di sorry! Kasalanan ko hindi na mauulet Mommy: buti alam mo, dahil d'yan outside kulambo ka joke lang
Funny Moments: March 22, 2020 Anak, para hindi ka mainip pasyal ka muna sa loob ng bahay natin puntahan mo yung mga lugar na madalang mong puntahan, tulad ng lababo maraming naghihintay sa iyo run para kumustahin ka
Funny Moments: September 10, 2020 Usapang mag tatay Anak: Dad, nagugutom ako Tatay: magluto ka Anak: ako na naman Tatay: may tinapay sa mesa Anak: ano gagawin ko sa tinapay? Tatay: gawin mong pataba sa lupa Anak: Hahahaha
Funny Moments: June 13, 2021 Paminsan-minsan tataasan mo ng boses ang misis mo para magulat sa'yo. Ako: pag-uwi sa bahay, naglinis kaba ng bahay? Misis: tulala Ako: ano ba yan! Eh yung mga aso pinaliguan mo na? Anak: Daddy, hindi bagay sa'yo Ako: Misis: galing umarte ah
Funny Moments: April 9, 2019 Anak: si mommy bumili ng dog food, hindi bumili ng pagkain natin. Daddy: dog food ang pakakain sa atin Mommy: bumili naman ako ng bigas Daddy: ah pedigree ulam natin Anak: hahaha
Funny accident: December 9, 2020 Seryoso kang naglalakad patawid ng kalsada ng may usling bakal pala sa kalye sumabit yung sapatos mo at tumalsik dimo makita kung saan napunta nang hanapin mo sa putik pala napunta, lagot madudumihan medyas ko ene beyen. Magagalit yung maganda kong misis "sasabihin n'ya hay naku louie"
Funny Moments: December 19, 2018 Nagbilin si Mommy, Dad huwag mong kakainin to pinabili lang to Ako: Sabihin mo sa mga anak mo Mommy: yung mga anak mo nga nagsabing ikaw ang pagsabihan dahil kinakain mo kahit dimo pagkain. Ako:
Funny moments: August 23, 2018 habang nag-lalakad pauwi may beerhouse na madadaanan at biglang may humatak sa braso ko ang sabi nya daan ka muna dito sandali lang. Ako: biglang sabi na huwag po, hindi po, ayoko po. HahahA
Funny moments: July 4, 2019 sa shop noong cute pako Bunso: kuya may nagpuntang babae dito nagagalit sa'yo nangako ka daw na pupunta sa bahay nila dika nagpupunta hinihintay kadaw nya. Ang sabi nya "wala kadaw isang salita" sino ba iyon? Ako: ah nagpapagawa ng computer Bunso: bakit ganon mag react yun parang girlfriend na hindi sinisipot ng boyfriend. Hoy! Kuya may asawa kana isusumbong kita kay ate. Ako: hindi ko nga alam pangalan nun eh
Funny moments: October 2, 2020 Tabulation Sir. Lawrence, Foreigner yung Judge, ikaw na kumausap tungkol sa excel. Ako: Hi! Sir, You see here, here and here, enter here. OK Sir Foreigner: Ok, I understand Ako: Huh hirap
Funny moments: May 19, 2021 iba talaga mag-isip ang babae sa lalaki. Misis: bakit lawlaw yung pantalon mo? Ako: ibig sabihin pumayat ako lumuwag yung pantalon ko oh! Misis: anong pumayat? Lalo nga lumaki tiyan mo kaya bumaba yung pantalon mo. Ako: ha talaga parang hindi naman di ko napansin yun
Funny moments: July 9, 2021 Ngayon ako naniniwala na tumaba nga ulit ako, akalain mong pagyuko ko tumalsik yung butones at kawit ng pantalon ko buti nalang nasa bahay pa'ko.
Funny moments: November 10, 2021 Bumili ako ng slice bread sa tindahan biglang may lumapit na matandang babae. Lola: Pahingi pamasahe Ako: hindi po ako nagbibigay ng pera gusto nyo po pagkain nalang. Lola: ayoko gusto ko pera pamasahe Ako: pamasahe po saan po kayo pupunta Lola: bigla akong inambaan na papaluin sa ulo.
Funny moments: July 11, 2022 Daddy: Anak, bumili ka ng kimchi Bunso: Hindi masarap yung nabili ko Daddy maasim Daddy: tama lang yung lasa nya maasim pangontra dun sa fried egg na niluto mong sobrang alat daig pa yung adobo Bunso: Daddy ang sama mo Daddy:
Funny moments: December 18, 2021 Pag-uwi sa bahay magluluto ng egg para iprito naghanda ng kawali at mangkok hinati sa gitna ang egg at pagkatapos inihulog sa lababo sa halip na sa mangkok. Misis: Yan ang katibayan na makakalimutin kana Anak: Ano ba yan Dee? Sinayang mo lang mayaman Ako:
Funny moments: May 7, 2019 Siyempre feeling pogi kapag may nagtanong sa'yo nang ganito Millennium days, habang gumagawa ng computer sa shop si customer girl nagtanong. Customer: kuya may asawa ka na ba? Ako: smile lang Customer: eh girlfriend? Ako: smile lang ulit Customer: yung bata kanina anak mo ba yun? Ako: smile pa more Misis: may nagtanong kung may asawa kana ano sinagot mo? Ako: tumawa lang ako, nakakatuwa eh Misis: bakit dimo sinagot yung tanong may balak ka hano? Ako: smile Misis: Nicole, kapag bumalik yung babae at kinausap yung daddy mo sumigaw ka ng Daddy timpla mo kong gatas Ako: hahahaha At ganoon nga ang ginawa ng anak ko nung bumalik si customer.