Posts

Showing posts with the label Torpe

Torpe

Image
Torpe Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Created: March 11, 2011 - Revised: September 15, 2020 Puso at isip nag-aaway Hindi ako mapalagay Nakita kang may kaakbay Parang ako'y mamamatay. Kapag ika'y nasa tabi Wala naman akong masabi Para akong pipi Naghahanap ng kakampi. Lagi kitang pinagmamasdan Ikaw ang laman ng aking dasal Pangarap kong inaasam Sa akin ka makasal. Ikaw sa aking isip Narito sa panaginip Paulit-ulit na sinasambit Pag-ibig mo sana'y masungkit. Mukhang pag-ibig na ito Sana nga ay totoo Kung puede lang tayo Lahat gagawin para sa'yo.  Kung ako'y maghihintay Gusto ko munang maglakbay Pagod na pusong nagbabantay Ikaw lamang ang hinihintay.