Paghanga
Paghanga Isinulat ni Lawrence R. Gonzales May 23, 2019 - Nov 11, 2021 Ang iyong mga matang marikit, Kapag sa akin ay tumitig Mata ko'y ayaw ng pumikit Sa'yo lamang nakatitig. Kung minsan nais kong umawit Kahit di maganda tinig Bakit ba ganito ang pag-ibig Labis akong naliligalig. Ang puso ko'y gustong mangusap, Ngunit sa bibig ko'y walang lumalabas na pangungusap, Gusto ko sa iyo'y makipag-usap, Upang magandang sandali ay malasap. Kay ganda ng iyong ngiti, Sana ito'y manatili, Kung ang puso ko ay magkukubli, Sa iyong likod ako ay tatabi.