Posts

Showing posts with the label Bagong Kasal

Bagong Kasal

Image
Bagong Kasal Isinulat ni Lawrence R. Gonzales February 27, 2011 Tayo ay nagpakasal Pero ako ay nasakal Sa luto mo parang bakal Parang ako'y nagpatiwakal. Ikaw ay nagluto ng sinaing Pero ito'y naging uling. Kahit ipakain sa kambing Siguradong maduduling Ako'y nagpaluto ng paborito Masarap na ulam adobo Iniwan mo naging tostado Kaya yung kulay parang chonggo Aking mahal huwag magalit Yung luto mo diko nilalait Ang pagkain natin laging mapait Katibayan ba ito na ika'y galit. Bakit noon masarap yung luto Bakit ngayon tila naglaho Nagbago ang pakikitungo O bumibili ka lang ng luto. Sa tuwing aakyat ng ligaw May nakahandang masarap sa sabaw Nakakapawi ng uhaw Nainggit pati ang langaw. Aking nalaman ang pinagmulan Di inaasahang ito'y matuklasan Sikreto ng pagkain na malinamnam Inorder lang pala sa restaurant. Kaya pala masarap ang pagkain Mabilis karing maghain Konti lang yung hinain Masarap kainin. Mahal kita walang iba Kahit ulam natin tinapa Ikaw parin sinta Mahal kita,...