Pusong Nalilito
Pusong Nalilito Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created 6:30pm - Last Modified 6:48pm Saturday, September 5, 2020 Kung minsan ang puso nalilito Pero yung damdamin hindi nagbabago Naalala ko nung tayo Yung araw ko hindi kumpleto. Humanga ako sa iba Nabighani sa talino at ganda Magkasundo kami nung una Pero ngayon wala na. Paano ko ba sasabihin Nang saktan ko ang iyong damdamin Naisip kong ikaw parin Nilalaman nitong damdamin. Paano kaya mag-uumpisa Kahit magsalita hindi ko kaya Ngayong kaharap kana Nanlalamig at kumakaba. Kung ika'y magalit tatanggapin ko Kung ako'y pahirapan gagawin ko At kung ako'y saktan titiisin ko Maitama ko lang yung pagkakamali ko. Bibigyan ka ng bulaklak na paborito mo Hahanapin ko ang pagkain na gusto Gagawin ko anuman ipag-utos mo Magkasundo lang muli tayo.