Posts

Showing posts from February, 2011

Super Islaw

Image

Pusong Pilay

Image
 Pusong Pilay Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales                                                                    Ang puso kong pilay Bigyan mo sana ng saklay Ikaw sana sa akin ay umalalay Upang puso ko ay muling mabuhay Kahit ako’y isang tanga Sa puso ko’y walang iba Walang dapat ipangamba Sa puso ko, Ika’y nag-iisa Kahit sino madadaig Sa ibabaw ng daigdig Sa ngalan ng pag-ibig Ibibigay ko lakas at bisig. Pag-ibig ko’y hindi magmamaliw Sabihin man nila na ako’y baliw Paglilingkuran ka aking giliw Araw-araw ika’y maaaliw Ang puso ko’y sumisigaw Damdamin ay humihiyaw Nagwawala na parang langaw Pag-ibig ko’y mainit pa sa inihaw. Lagi kong ihahain Paborito mong pagkain Masasarap na lutuin Kasing tamis ng aking damdamin

Pedro Penduko

Image

Paalam Tatay

Image

Payong Kaibigan

Image

Hiwaga ng Puso

Image

Diwata

Image

Dalagang Ina

Image

Buhay Tindera

Image

Batang Paslit

Image

Bagong Kasal

Image
Bagong Kasal Isinulat ni Lawrence R. Gonzales February 27, 2011 Tayo ay nagpakasal Pero ako ay nasakal Sa luto mo parang bakal Parang ako'y nagpatiwakal. Ikaw ay nagluto ng sinaing Pero ito'y naging uling. Kahit ipakain sa kambing Siguradong maduduling Ako'y nagpaluto ng paborito Masarap na ulam adobo Iniwan mo naging tostado Kaya yung kulay parang chonggo Aking mahal huwag magalit Yung luto mo diko nilalait Ang pagkain natin laging mapait Katibayan ba ito na ika'y galit. Bakit noon masarap yung luto Bakit ngayon tila naglaho Nagbago ang pakikitungo O bumibili ka lang ng luto. Sa tuwing aakyat ng ligaw May nakahandang masarap sa sabaw Nakakapawi ng uhaw Nainggit pati ang langaw. Aking nalaman ang pinagmulan Di inaasahang ito'y matuklasan Sikreto ng pagkain na malinamnam Inorder lang pala sa restaurant. Kaya pala masarap ang pagkain Mabilis karing maghain Konti lang yung hinain Masarap kainin. Mahal kita walang iba Kahit ulam natin tinapa Ikaw parin sinta Mahal kita,...

Paalam Anak

Image
Paalam Anak - Sweet Denice Gonzales Isinulat ni Lawrence R. Gonzales May pulong sa amin Kasama kaibigan namin Sa Gitna ng Kuwentuhan Misis ko sumakit ang tiyan. Hating gabi ako ay ginising  Si Misis, sa sakit dumadaing Sa bahay agad lumisan Doktora agad tinawagan.  Sa hospital ako'y nahimbing Paggising ko mayroon na kaming supling Pinatawag ako sa operating Para sanggol ay aking silipin. Ako'y nalungkot sa aking nakita Maraming tao nakapaligid sa kanya Ang anak ko na sanggol pa Agad sa akin binawi na. Habang ako'y lumalapit Ang puso ko'y parang mapupunit Parang ako'y hinahagupit Ang dibdib ko sobrang sakit. Aking anak gumising ka Ang iyong ama narito na Kahit konti umiyak ka Gusto kong makita na buhay ka. Maliit mong tinig Nais kong marinig Katawan mong malamig Yayakapin ko ng mahigpit. Habang ikaw ay aking yakap Ang luha ko ay pumapatak Parang ulan na bumabagsak Napapasigaw ng malakas. Kailangang tanggapin Masakit man sa damdamin Ang Diyos ay mabuti parin Sapagkat ...

Pamahiin, Halimbawa at Paliwanag

Image
Ang pamahiin ay ang mga paniniwala ng mga matatanda na may relasyon sa mga ginagawa natin at nakikita natin, isang paniniwala na walang basehan kung ito ay totoo o hindi o nagkataon lamang.  Higit na mabuti kung makikinig tayo sa mga pamahiin na may magagawang mabuti para sa atin upang tayo ay manatiling ligtas at malayo sa kapahamakan.

Mga Bugtong at Halimbawa

Image
Ano ang Bugtong?  sagot: Palaisipan, Pahulaan Ang bugtong ay isa ring laro ng patalasan ng isip dahil kailangan mong hulaan ang sagot nito, puedeng laruin ng mga bata o matatanda habang kayo ay nagpapahinga o nag-uusap ng iyong mga kaibigan, kalaro at kapamilya. Ang larong palaisipan na tulad nito ay masayang laro at mayroon kang matutunan tulad ng mga bagay na hindi mo alam.                                             15 .  Isang Balong Malalim, punong puno ng patalim.                                                  Sagot: Bibig                               ...

Tula ng Pasasalamat

Image
Tula ng Pasasalamat Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales February 8, 2011 Kapag puso'y tumugon Isip ay babangon At hindi maglalaon Pintig ng puso'y tatalon. Tangi kong dalangin Sana tula ay palarin Sana ay tangkilikin Kahit minsan ay basahin. Sana ay mapansin Tulang may damdamin May mabuting hangarin Laman ng puso ay dinggin. Mamaraming salamat sa pagbisita Sa website kong pinaganda Upang maging kahali-halina Para sa taong mambabasa. Maraming salamat sa comment ng lahat Aking damdamin nailalahad Sa maikling sulat na may pamagat Tulad ng kuwento ng mga alamat. Sa aking tula may nagpasalamat Nakatulong maghilom kanilang sugat Minsan nahimbing at ako'y nagulat Nais ko palang maging manunulat.  Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales Makatang Pinoy -  February 8, 2011