Pages

Tula ng Pasasalamat

Tuesday, February 8, 2011



Tula ng Pasasalamat
Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales
February 8, 2011

Kapag puso'y tumugon
Isip ay babangon
At hindi maglalaon
Pintig ng puso'y tatalon.

Tangi kong dalangin
Sana tula ay palarin
Sana ay tangkilikin
Kahit minsan ay basahin.

Sana ay mapansin
Tulang may damdamin
May mabuting hangarin
Laman ng puso ay dinggin.

Mamaraming salamat sa pagbisita
Sa website kong pinaganda
Upang maging kahali-halina
Para sa taong mambabasa.

Maraming salamat sa comment ng lahat
Aking damdamin nailalahad
Sa maikling sulat na may pamagat
Tulad ng kuwento ng mga alamat.

Sa aking tula may nagpasalamat
Nakatulong maghilom kanilang sugat
Minsan nahimbing at ako'y nagulat
Nais ko palang maging manunulat.

 Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales
Makatang Pinoy - February 8, 2011

2 comments

  1. Anonymous5:08 PM

    nice poems..sana gumawa ka ng tula tungol sa pasasalamat sa tao/mga taong pinaglalaanan ng iyong pagsusumikap sa pag-aaral..salamat:)

    ReplyDelete
  2. Anonymous5:10 PM

    This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete

Thank you for taking the time to read my tagalog poems and funny moments

Followers

 

Search This Blog

Blogger news

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200