Posts

Showing posts with the label Paalam Anak

Paalam Anak

Image
Paalam Anak - Sweet Denice Gonzales Isinulat ni Lawrence R. Gonzales May pulong sa amin Kasama kaibigan namin Sa Gitna ng Kuwentuhan Misis ko sumakit ang tiyan. Hating gabi ako ay ginising  Si Misis, sa sakit dumadaing Sa bahay agad lumisan Doktora agad tinawagan.  Sa hospital ako'y nahimbing Paggising ko mayroon na kaming supling Pinatawag ako sa operating Para sanggol ay aking silipin. Ako'y nalungkot sa aking nakita Maraming tao nakapaligid sa kanya Ang anak ko na sanggol pa Agad sa akin binawi na. Habang ako'y lumalapit Ang puso ko'y parang mapupunit Parang ako'y hinahagupit Ang dibdib ko sobrang sakit. Aking anak gumising ka Ang iyong ama narito na Kahit konti umiyak ka Gusto kong makita na buhay ka. Maliit mong tinig Nais kong marinig Katawan mong malamig Yayakapin ko ng mahigpit. Habang ikaw ay aking yakap Ang luha ko ay pumapatak Parang ulan na bumabagsak Napapasigaw ng malakas. Kailangang tanggapin Masakit man sa damdamin Ang Diyos ay mabuti parin Sapagkat ...