Posts

Showing posts from June, 2012

Dakilang Pangalan - Jesus Is Lord and God

Image
Dakilang Pangalan Jesus Is Lord and God     Ako ay lingkod na taong mahina Subalit pinalakas ng iyong salita Ikaw ang Diyos na tunay at dakila Iligtas mo ako at sa akin ay maawa. Araw at gabi'y dumadalangin Sana'y dinggin itong hinaing Ang paghihirap nitong damdamin Kabigatan sa puso'y iyong alisin. Sinasamba ko ang iyong pangalan At pinupuri ang iyong kadakilaan Tagapagligtas ng aking bayan Ang tahanan ko'y hindi mo pababayaan. Ang Diyos na si Yahweh ay ating luhuran At ating igalang ang dakilang pangalan Ang bayang israel ay kanyang iningatan At pinagtatanggol sa kalaban. Ako'y patawarin sa aking kasalanan Pagkakamali ko'y di namalayan Ang aking pagsamo sana'y maunawaan Humihingi po ako ng kapatawaran. Ang Panginoong Jesus nasa amain ay nagligtas Kailanman hindi siya nagmataas Kadakilaan ang pinamalas Mga himalang nagbibigay lunas.