Posts

Showing posts from November, 2021

Mga Uri ng Tula?

Image
Sagot: mula sa TAKDANG ARALIN educational blog... By Lhenn Ano ang Tula?  Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa ditto.  May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa. Mga Uri ng Tula    1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao.  Ito ay maikli at payak.  Uri ng Tulang Liriko Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.  Soneto – Nagtataglay ito ng mg...

Soulmate

Image

Inggit

Image
Inggit Isinulat ni Lawrence R. Gonzales November 11, 2021 Ang inggit ay parang tinik,  Kapag tumusok ay masakit Parang galamay ng pusit Matindi kung kumapit,  Inggit layunin mo'y manakit Wala naman ginagawa ika'y nagagalit Ayusin mo trabaho, huwag kang makulit Para dika pagalitan ulit. Huwag kang magtanim ng galit Yung ugali mo papangit Huwag ka ng mainngit Alisin ang hinanakit. Huwag kang gumawa ng chismis Huwag karin mang-inis Masama yung kwentong madungis Manira ng pangalang malinis. Baka magkaroon ka ng sungay Kapag masamang gawa ay panay Kaya hindi ka mapalagay Malayo sa'yo ang tagumpay. Layunin mo'y mapa-alis Gusto ng posisyong mabilis Akala mo naman siya'y malinis Pag-uugali naman ay galis.

Love Letter

Image
Love Letter Ni  Lawrence R .  Gonzales July 25, 2020 Kay  tagal   naman   dumating Sulat   mo   lang   aking   hiling Mula   umaga   hanggang  dilim Inaabangan  kong  ibigay  sa  akin. Ano  kaya  itong  pagmamahal Parang  pamasahe  kay  mahal Kung  ako  kaya   ay  magtanghal Pansinin  kaya  ako   ng   minamahal . Nasa   bintana  nakatingin Kailan kaya d arating Sulat mong paparating Kartero dumaan ka sa'min . Ang   sulat   kong   nais   iparating Naglalaman  ng  aking  damdamin Nasasabik  akong  sulat  mo’y  basahin Nais   kong   malaman  ang  tugon mo  sa  akin. Napakalayo  ng  ating  pagitan Ganito  ba  talaga  ang sukatan Kailangan  pa  ng  barko   para   puntahan Eroplano  para ...