Posts

Showing posts with the label Ang Puso Mo

Ang Puso Mo

Image
Ang Puso mo ni. Lawrence R. Gonzales October 24, 2012 Wala akong nakitang kahinaan mo Kundi kalakasan na taglay mo Kahit malumanay ang salita mo Mananatiling malakas ang puso mo Ang karunungan mong taglay Wala itong kapantay Diyos ang magpapatunay Minamahal ka niyang tunay Upang gumaan ang iyong kalooban Luha ay huwag mong pigilan Hayaan mong lupa ay bagsakan Sabay tawag sa kalangitan Sinabi ng Diyos, "Hindi kita iiwan" (Hebreo 3:5) Kasama mong lagi, saan ka man pumaroon Para sa iyong kaligtasan at kapanatagan Kahit mga anghel uutusan ngayon (Awit 91) Kahit ika'y mahirapan ngayon At masaktan sa pangit na sitwasyon Huwag sanang kalimutan, laging tandaan Diyos parin ang matibay na tanggulan (Kawikaan 18:10)