Posts

Showing posts with the label Tagalog Poems

Tambay

Tambay Isinulat ni Lawrence R. Gonzales February 12, 2023 Sunday Maglalakad sa kalye Pupunta ng Sine Manonood ng karate Tambay hanggang gabe Ang lamig ng aircon Puedeng matulog maghapon Yung palabas kahapon Uulitin ko ngayon. Bibili ng merienda Kulang ng barya Pagsapit ng umaga Wala nang pera Mahirap walang trabaho Pupunta sa kanto Mauupo sa semento Sa dumadaan nakuntento Palakad-lakad sa palengke Naubusan ng pamasahe Natuksong nakawan yung ale Naisip kong mali yun pare Ayoko ng ganitong buhay Parang laging sablay Yung classmate kong kasabay Maganda na ang buhay. Bukas ng umaga Magbihis ng maganda Sa interview pupunta Para sa trabaho pipila.

Pepe serenades Leonor | Ilustrado

Image
 

Prinsesa

Image
Prinsesa ni. Lawrence R. Gonzales Revised: Nov. 11, 2021 Magmula nang Ika'y Masilayan Mga mata nati'y nagkatinginan Sa Puso ko'y may kaguluhan Parang manok nagtilaukan. Ganda ng buhok nakabibighani Napakaganda mo kung ngumiti Masilayan ka'y hinahangad kong lagi Kasiyahan kong makita kang muli. Sa tulad mong magandang binibini Laman ng puso'y di kayang ikubli Damdaming hindi mapakali Kailan kaya ito masasabi. Ika'y prinsesa sa gitna ng madla Ako'y nahalina sa maganda mong mukha Tulala at hindi makapagsalita Parang kulog na sa akin ay bumigla. Kung sakaling ako'y makalapit Huwag naman sanang ipagkait Ang makausap ka'y ipipilit Hindi ako nasisiraan ng bait.  Kung ang dila ko may pilipit Dahil sa ako'y umiibig Pakiramdam ng puso'y iniipit Kapag hindi ako nakalapit. Paumanhin ako'y makulit Yung puso ko kasi masakit Mawawala itong sakit kung tayo'y magkakalapit.

Naghintay Ako

Image
  Naghintay Ako Isinulat ni Lawrence R. Gonzales November 12-24, 2021 1.28 AM, Wednesday Bakit hindi ka dumating Makita ka lang aking hiling Naghintay ako hanggang dilim Hindi ka pala darating. Labis akong nag-alala Nagpabalik-balik sa kalsada Hindi alam san pupunta Dahil ikaw ina-alala. Dahil sa iyong barkada Ako na itsapwera Ang hinihintay kong kasama Hanggang panaginip lang pala. Gusto kong sabihin I MISS YOU Huwag mokong bigyan ng TISSUE Kapag sinabi kong I LOVE YOU Walang problema, walang ISSUE. Ako sayo'y nagtapat Ang pag-ibig ko'y inilahad Pero hindi umangat Hindi moko tinanggap. Sa pagsubok dumaan Dala ko'y kahihiyan Kulang sa kakayahan Tinanggap ko'y kapintasan. Sa harap ng iyong kaibigan Ako'y naging mangmang Iba ang kanilang yabang Hindi jko kayang sabayan. Sa aking palagay Hindi nga tayo bagay Sa talino mong taglay Wala akong maibibigay.

Love at First Sight

Image
Love at First Sight Isinulat ni Lawrence R. Gonzales October 30, 2021 Narito ang binatang sa iyo'y humahanga Hinihintay ang pagdungaw mo sa bintana Para sa akin tulad mo ay tala Liwanag sa akin na tumatama. Ikaw ang pinakamagandang nakita ko Tumibok ng malakas ang puso ko Kung papana lang si Kupido Ang unang tatamaan ay ako. Parang love at first sight Hindi makatulog sa night Kahit gumamit nang dim light Yung paningin ko bright. Nais ko sanang magtanong Yung puso ko kasi nakakahon Puede kaya pagdating ng panahon Ikaw at ako sa habang panahon. Sa titig mong malagkit Magandang mata at singkit Parang puso'y sinumpit Walang salitang masambit. Kahit buhay ay maikli kung minsan pag-ibig ay pili Sa ganda ng iyong ngiti Mahagkan sana ang labi. Ang pagmasdan ka'y diko mapigil Parang oras tumitigil Walang ibang pinapansin Kundi ikaw lang sa paningin. Parang tumigil ang mundo Napalapit ako sa'yo At nagsabi ng ganito Napa-ibig ako sa'yo.

Akala Nagbago

Image
Akala Nagbago Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Saturday, April 23, 2022 Bagong kasal lang tayo Akala mo ako'y nagbago Ikaw agad ay nagreklamo Diko lang nasunod ang gusto. Nagsigawan tayo, nainis ako Binagsak ko ang pintuang ito At naglaglagan mga nakasabit dito Sa galit ko, sabay alis ako. Sa aking pag-uwi Ako'y pumikit sandali Nakatulog ng madali Paggising ko, sa inyo gusto mong umuwi. Kaya ka pala tahimik Binabalot mga damit Hindi ka naman umiimik Habang ako'y nakapikit. Pagtingin ko sa kwarto Wala mga damit mo dito Lumabas agad ako Inabutan ka sa kanto. Tumakbo ako ng mabilis Para hindi ka makaalis Huwag kang aalis Mababaliw ako ng labis. Kapag ika'y hinayaan Puso ko'y masasaktan Kaya't Ika'y pipigilan Sa balak mong paglisan. Akin na ang gamit mo Huwag kana umiyak mahal ko Hindi naman ako nagbago Nainis lang ako. Yayakapin ka ng mahigpit Hahalikan ng paulit-ulit Nais mo bang marinig Pag-ibig ko sa'yo hanggang langit. Ayoko...

Mag-aral ng Maikling Tula

Image
Maikling Tula  ni Lawrence R. Gonzales Ang tula ay nakakamangha Pinagsama-samang salita Pagbigkas ko'y nakakatuwa Dahil sa ganda ng tugma Salitang babanggitin Nagmula sa damdamin Kaibig-ibig bigkasin Kaaya-ayang usapin Halina at basahin Ang laman ng damdamin Humarap sa salamin at aking sasabihin.

Ang Buhay Mahirap

Image

Pulitiko at Kandidato

Image
Pulitiko at Kandidato Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created: October 24, 2010 Malapit na ang botohan Maraming proyekto pamahalaan Kalsada aayusan at semento lalapatan Para mabango ang pangalan. Ang mga tao lalapitan Mangangako na tutulungan Pero hindi kana babalikan Sasabihin ika'y nakalimutan. Kahit napapagod sa lakaran Kahit sila ay mahirapan Basta may kapangyarihan At dadami ang kayamanan. Ang tao paglalaruan Sa kanyang gimik at kalokohan Kunwari para sa kahirapan Yun pala magiging kawatan. Pulitiko at kandidato  Ang ganda ng kanilang kwento Pagkatapos iboto at palarin sa pwesto Makakalimutan na ang pangako sa tao. Para silang mga tigre Nagkalat na buetre Mag-ingat ka pare Serbisyo nila hindi na libre.  

Eternal Love of Dream

Image
Eternal Love of  Dream Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Tagalog Poem #46 - Revised Version Dahil sa titig mo Ako’y nabihag mo Parang minagic mo  Natulala sa harap mo. Kapag ika’y tumitingin Parang hangin na dumarating May saya sa damdamin Parang nililipad ng hangin. Kapag wala ka sa'king tabi Ako’y hindi mapakali Para kang nagkukubli Hindi ka naman nagsasabi. At kung hindi ka magbalik Dulot nito’y sakit Sa pakiramdam mapait Nabubuhay sa pananabik. Kung minsa'y nagdaramdam Kapag puso'y nasasaktan Lalo na't hindi alam Kung ako ba'y minamahal. Lagi kang pinagmamasadan Saan ma'y sinusundan Nakabantay nang di alam Lihim kang minamahal. Kahit hindi ikaw ang kapalaran Gusto ko paring subukan Ipilit ang pagmamahal Baka sakaling pagbigyan. Kahit mahirapan man ako Basta magkasama tayo Sa pag-ibig na ito, hindi malilito Kung ikaw at ako, sa aking mundo.  

Soulmate

Image

Inggit

Image
Inggit Isinulat ni Lawrence R. Gonzales November 11, 2021 Ang inggit ay parang tinik,  Kapag tumusok ay masakit Parang galamay ng pusit Matindi kung kumapit,  Inggit layunin mo'y manakit Wala naman ginagawa ika'y nagagalit Ayusin mo trabaho, huwag kang makulit Para dika pagalitan ulit. Huwag kang magtanim ng galit Yung ugali mo papangit Huwag ka ng mainngit Alisin ang hinanakit. Huwag kang gumawa ng chismis Huwag karin mang-inis Masama yung kwentong madungis Manira ng pangalang malinis. Baka magkaroon ka ng sungay Kapag masamang gawa ay panay Kaya hindi ka mapalagay Malayo sa'yo ang tagumpay. Layunin mo'y mapa-alis Gusto ng posisyong mabilis Akala mo naman siya'y malinis Pag-uugali naman ay galis.

Love Letter

Image
Love Letter Ni  Lawrence R .  Gonzales July 25, 2020 Kay  tagal   naman   dumating Sulat   mo   lang   aking   hiling Mula   umaga   hanggang  dilim Inaabangan  kong  ibigay  sa  akin. Ano  kaya  itong  pagmamahal Parang  pamasahe  kay  mahal Kung  ako  kaya   ay  magtanghal Pansinin  kaya  ako   ng   minamahal . Nasa   bintana  nakatingin Kailan kaya d arating Sulat mong paparating Kartero dumaan ka sa'min . Ang   sulat   kong   nais   iparating Naglalaman  ng  aking  damdamin Nasasabik  akong  sulat  mo’y  basahin Nais   kong   malaman  ang  tugon mo  sa  akin. Napakalayo  ng  ating  pagitan Ganito  ba  talaga  ang sukatan Kailangan  pa  ng  barko   para   puntahan Eroplano  para ...

Laging Cellphone Hawak

Image
Laging Cellphone Hawak Isinulat ni Lawrence R. Gonzales October 16, 2021 Ang katamaran ay kakambal ng kagutuman Lalo na yung mga batang ayaw mautusan Magtatampo pa yan kapag pinagsabihan Hahaba ang nguso at padabog-dabog pa'yan. Sasabihin pang ako nalang lagi inuutusan Gayung s'ya lang naman kasama sa tahanan Sasabihin pang dami namang uurungan Kasi naman kagabi pa yung pinagkainan. Inabutan na nang tanghalian Dumami tuloy huhugasan Naipon tuloy ang urungan Kasi naman, kagabi kapa inuutusan. Kakanood ng Korean Drama Pati linya nakukuha Kung minsan parang artista Pati eksena ginagaya. Kapag nagugutom naghahanap ng pagkain Kapag luto na kay hirap naman tawagin Ayaw naman magluto para makakain Ang gusto lagi nalang ipaghahain. Lagi nalang sa cellphone nakatingin Kaya yung oras hindi napapansin Kahit sa oras ng pagkain Kasama parin kumakain. Cellphone ay laging hawak Hindi mo na matawag Lagi nalang nakababad Hindi na nilalapag. Hindi kaba napapagod Sumasakit ang mata kakanood Okey ...

Captain Barbell

Image
  Captain Barbell Isinulat ni Lawrence R. Gonzales September 18, 2020 Kilala moba si teng-teng? Yung binatang patpatin May tinatago siyang lihim Siya pala si Captain Barbell. Tingnan mo nga naman Wala tayong kaalam-alam Yung inaapi't pinagmamalupitan Tagapagligtas pala ng taong-bayan. Kapag siya'y nagpapalit Yung kilos bumibilis Laging lumilipad paalis Hindi makausap kahit saglit. Kayong masasama dapat mag-ingat  Huwag kayong pakalat-kalat Kapag inabutan kayo ng malas Siguradong tanggal ang inyong angas. Marami siyang kalaban Meron ding kapangyarihan Ginagamit sa kasamaan maghahasik ng kaguluhan. Nagpakasal sila ni Lea Matagal din silang nagsama Nangarap bumuo ng pamilya Mamumuhay ng maligaya. Habang nasa pasyalan Hindi nila naiwasan Yung atake ng kalaban Kasama si lea sa tinamaan. Itong si teng gustong manakit Sa sobrang galit at sakit Namatay si Lea, ang pait Pati ang kanyang ipinagbubuntis.

Aalis kana bukas?

Image
Aalis kana bukas Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Created: 8:00pm September 3, 2020 - Last Modified: 10:27pm September 5, 2020 Aalis kana bukas Wala nakong kausap Tingin nalang sa ulap Sa hangin, makikipag-usap. Puntahan kaya kita! Yung gamit mo, ako na magdala Mag-aral din kaya ako sa manila Para araw-araw makasama kita. Sa ganitong sitwasyon Kailangan natin ng theme song May magandang kanta ngayon Para sa'kin You are my song. Unang araw na wala ka Yung boses mo nasa tenga kopa Hindi ako makabasa ng letra Pangalan mo ang nakikita. Mag-aral kang mabuti Para sa iyong sarili Nandito lang nakatabi Maghihintay hanggang huli. Tinawag ako ni nanay  Sa telepono may naghihintay Magandang boses na malumanay Kay tagal ko itong hinintay.

Pusong Nalilito

Image
Pusong Nalilito Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created 6:30pm -  Last Modified 6:48pm Saturday, September 5, 2020 Kung minsan ang puso nalilito Pero yung damdamin hindi nagbabago Naalala ko nung tayo Yung araw ko hindi kumpleto. Humanga ako sa iba Nabighani sa talino at ganda Magkasundo kami nung una Pero ngayon wala na. Paano ko ba sasabihin Nang saktan ko ang iyong damdamin Naisip kong ikaw parin Nilalaman nitong damdamin. Paano kaya mag-uumpisa Kahit magsalita hindi ko kaya Ngayong kaharap kana Nanlalamig at kumakaba. Kung ika'y magalit tatanggapin ko Kung ako'y pahirapan gagawin ko At kung ako'y saktan titiisin ko Maitama ko lang yung pagkakamali ko. Bibigyan ka ng bulaklak na paborito mo Hahanapin ko ang pagkain na gusto Gagawin ko anuman ipag-utos mo Magkasundo lang muli tayo.

Kapag Puso'y Nasaktan

Image
Kapag Puso'y Nasaktan Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created: August 9, 2020 Last modified: 7:08pm September 5, 2020 Kapag puso'y nasaktan Masakit talaga sa pakiramdam Pero ang kagandahan Mayroon kang natutunan.  Mayroon parin sa'yong magmamahal Maghintay ka lang baka nariyan Baka lihim kang pinagmamasdan Pagkat tunay yung pagmamahal. Ang puso mo ngayon  Ay tulad ng kahon Wala siyang laman ngayon Pero mapupuno sa tamang panahon. Darating din yung pagkakataon Malay mo baka ngayon Si right person na tanong Kaibigan mo pala noon. Hindi mo na kailangang mag-alala Dahil matagal mo na siyang kilala Na miss ka daw nya ng sobra Yung ngiti hanggang tenga.

Ang Tula

Image
Ang Tula Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Created: August 2, 2020 Last Modified:7:28pm September 5, 2020 Ang tula ay nakakamangha Mga pinagsama-samang salita Kapag binigkas ay nakakatuwa Sa ganda ng tono at mga salita. Kadalasan tungkol sa pag-ibig Yung pusong sinaktan at nanahimik Umasa sa pangakong babalik Yun pala halik ni hudas ang kapalit. Kung minsan tungkol sa pangarap Mga pinagdaanang masaklap Trabahong di mahanap Nakatingin nalang sa ulap. Mayro'n ding tungkol sa kahirapan Laging umiiyak ang karamihan Mahirap na laging pinagdadamutan Wala nang tirahan, masakit pa kalooban. Yung nangyayari sa paligid Akala mo ay tahimik Magulo pala at mabagsik Politikong hindi mapatalsik. Puede ring libangan Para sa iyong katahimikan Makabuo ng salita para sa kasiyahan Babasahin mo ito ng may kagandahan.

Malabong Mata

Image
Malabong Mata Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Created: July 22, 2020 - Last Modified: 8:26pm  September 5, 2020 Ako ba'y dinadaya ng aking mata O nabubulagan lamang sa iyong ganda Alam kong malabo aking mata Pero ano itong aking nakikita Naka-aninag ng maganda. Kailangan kong isuot yung salamin Upang matiyak nang paningin Pero nakalimutan kong dalhin Isang sulyap na lang isang tingin. Ang sabi nila maganda ka raw Kung tumingin nakakatunaw Gumaganda lalo ang araw Kapag ikaw lang ang tinatanaw. Kamukha mo yung asawa ko Malabo lang siguro paningin ko Ikaw ba iyan? Mahal ko Nagbibiro lang ako.