Tagalog Poems

Pages

Laging Cellphone Hawak

Saturday, October 16, 2021


Laging Cellphone Hawak
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
October 16, 2021

Ang katamaran ay kakambal ng kagutuman
Lalo na yung mga batang ayaw mautusan
Magtatampo pa yan kapag pinagsabihan
Hahaba ang nguso at padabog-dabog pa'yan.

Sasabihin pang ako nalang lagi inuutusan
Gayung s'ya lang naman kasama sa tahanan
Sasabihin pang dami namang uurungan
Kasi naman kagabi pa yung pinagkainan.

Inabutan na nang tanghalian
Dumami tuloy huhugasan
Naipon tuloy ang urungan
Kasi naman, kagabi kapa inuutusan.

Kakanood ng Korean Drama
Pati linya nakukuha
Kung minsan parang artista
Pati eksena ginagaya.

Kapag nagugutom naghahanap ng pagkain
Kapag luto na kay hirap naman tawagin
Ayaw naman magluto para makakain
Ang gusto lagi nalang ipaghahain.

Lagi nalang sa cellphone nakatingin
Kaya yung oras hindi napapansin
Kahit sa oras ng pagkain
Kasama parin kumakain.

Cellphone ay laging hawak
Hindi mo na matawag
Lagi nalang nakababad
Hindi na nilalapag.

Hindi kaba napapagod
Sumasakit ang mata kakanood
Okey lang ba iyong likod
Nakataas pa ang tuhod.


No comments:

Post a Comment

Thank you for taking the time to read my tagalog poems and funny moments

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200