Showing posts with label MPCWA. Show all posts
Showing posts with label MPCWA. Show all posts

Sunday, April 7, 2024

kaaway kaba o kaibigan ng Diyos?

kaaway kaba o kaibigan ng Diyos?

Jesus is Lord and God... “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Dios

Santiago 2:22-23 Ang Salita ng Dios
22 Makikita mo na ang pananampalataya niyaʼy may kasamang mabuting gawa. Naipakita na tunay[a] ang pananampalataya niya sa pamamagitan ng mabuting gawa. 23 Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Dios.

Isaias 41:8 Pero ikaw, Israel, na aking lingkod at pinili na mula sa lahi ni Abraham na aking kaibigan, 

tinawag kita at kinuha mula sa pinakamalayong dako ng mundo. Sinabi ko sa iyo na ikaw ay aking lingkod. Pinili kita at hindi itinakwil. 

10 Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo. 

11 Ang lahat ng nagagalit sa iyo ay tiyak na mapapahiya at malilito. Ang mga lumalaban sa iyo ay mapapahamak. 

12 At kahit hanapin mo ang iyong mga kaaway hindi mo na sila makikita. Silang mga kumakalaban sa iyo ay magiging walang kabuluhan. 

13 Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita. 



Monday, March 20, 2023

Laging Magpasalamat sa kabutihan ng Diyos


Laging Magpasalamat sa kabutihan ng Diyos

Awit ng Pagtatagumpay

Awit 118:1-14, 26-29 Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Message : Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Promise : sa pangalan ni Yahweh; magmula sa templo, mga pagpapala'y kanyang tatanggapin!

Command : ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay

Warning : Si Yahweh ang siyangsa aki'y tumutulong laban sa kaaway, malulupig sila

Application : Dapat ihayag na ang pag-ibig ng Diyos ay tunay, laging tapat kailanman.

Saturday, March 11, 2023

Sundin natin ang Diyos


1 Mga Hari 13 MBB

Sinumpa ang Altar sa Bethel

Message: 3 Sinabi pa niya, “Ito ang tanda na si Yahweh ang nagpapasabi nito: ‘Magkakadurug-durog ang altar na ito at sasambulat ang mga abo na nasa ibabaw ng altar.’”

Promise: 32 Sapagkat matutupad ang mga sinabi niya, sa utos ni Yahweh, laban sa altar ng Bethel at laban sa lahat ng sagradong burol ng Samaria.”

Command: 17 Sapagkat ganito ang utos sa akin ni Yahweh: ‘Huwag kang kakain o iinom ng anuman doon, at huwag ka ring babalik sa iyong dinaanan.’”

Warning: 20 Habang sila'y kumakain, dumating sa matandang propeta ang isang pahayag mula kay Yahweh. 21 Kaya't sumigaw siya sa propetang galing sa Juda, “Ganito ang ipinapasabi ni Yahweh: ‘Sinuway mo ang aking utos; 22 bumalik ka sa iyong dinaanan at kumain ka at uminom dito sa lugar na ipinagbawal ko sa iyo. Dahil dito, ang bangkay mo ay hindi malilibing sa libingan ng iyong mga magulang.’”

Application: Panghawakan natin ang salita ng Diyos dahil yun ang magliligtas at maglalayo sa atin sa kapahamakan. Dahil sa pagkain at pag-inom ay namatay ang Propetang taga Juda na lingkod ng Diyos sa kasinungalingan ng matandang Propeta kaya nga suriin nating mabuti kung ang itinuturo nang iba ay kung galing sa Diyos o sa tao lamang sapagkat ganito ang sabi ni Lord Jesus sa Mateo 15:14 kapag bulag ang umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.”

Monday, February 20, 2023

Si Lord Jesus ang Pag-asa



Jesus is Lord and God. Mateo 4:23-5:12

Juan 15:4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

Message: Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno.

Promise: Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo.

Command: Mateo 5:12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.

Warning: Hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

Application: Kay Lord Jesus tayo umasa sapagkat siya ang ating pag-asa.

Sunday, February 19, 2023

Girl, Boy, Bakla, Tomboy



Girl, boy, bakla, tomboy ang lahat ay nagkasala, walang matuwid kahit isa pero ang sabi ni Lord Jesus. "Magaling kana, pinatawad kana, huwag ka nang magkasala uli dahil baka mas masahol pa riyan ang iyong danasin." Iibigin ng Diyos at ililigtas ang taong iibig din sa kanya, kaya nga kung girl, boy, bakla, tomboy ka at nais mong maligtas sikapin mong huwag makipagrelasyon ng hindi kapuri-puri pero kung talagang matigas ang ulo mo at nagpatuloy kapa rin sa masamang pamumuhay ang sabi sa Biblia "Inilaan niya sa kaparusahan lalo na ang mga lumalakad ayon sa laman sa pagnanasa ng karumihan."

Friday, February 17, 2023

Ang Katawan ninyo'y Templo ng Diyos



Ang Katawan ninyo'y Templo ng Diyos 

1 Corinto 6:12-20

Message: Ang inyong katawan ay templo ng Diyos.

Promise: Muling bubuhayin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Command: Gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.

Warning: Sisirain ng Diyos

Application: Huwag makikiapid

Sunday, February 12, 2023

Magtiwala kay Lord Jesus

 Jesus is Lord and God...

1 Hari 17:7-16 Pinapunta si Elias sa Sarepta

Mateo 6:34 RTPV05

"Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na anf inyong mga suliranin sa bawat araw."

Message: Huwag ninyong ikabalisa ang araw ng                    bukas

Promise: Hindi ninyo mauubos ang harina sa                          lalagyan at hindi rin matutuyo ang                          langis sa tapayan.

Command: Ipagluto mo muna ako ng isang                                 maliit na tinapay.

Warning:

Application: Huwag tayong mabalisa


Friday, February 10, 2023

Pambihirang Kaibigan

Jesus is Lord and God...

Isaias 11:2 Mananahan sa kanya ang Espiritu ni Yahweh, ang espiritu ng karunungan at pang-unawa, ng mabuting payo at kalakasan, kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh.

Isaias 11:3 Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh. Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig.

Message: Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig.

Promise: Wala ng mananakit o mamiminsala.

Warning: Sa hatol niya'y mamamatay ang masasama.

Application: Kagalakan ang sumunod at gumalang kay Yahweh