Pulitiko at Kandidato
Pulitiko at Kandidato Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created: October 24, 2010 Malapit na ang botohan Maraming proyekto pamahalaan Kalsada aayusan at semento lalapatan Para mabango ang pangalan. Ang mga tao lalapitan Mangangako na tutulungan Pero hindi kana babalikan Sasabihin ika'y nakalimutan. Kahit napapagod sa lakaran Kahit sila ay mahirapan Basta may kapangyarihan At dadami ang kayamanan. Ang tao paglalaruan Sa kanyang gimik at kalokohan Kunwari para sa kahirapan Yun pala magiging kawatan. Pulitiko at kandidato Ang ganda ng kanilang kwento Pagkatapos iboto at palarin sa pwesto Makakalimutan na ang pangako sa tao. Para silang mga tigre Nagkalat na buetre Mag-ingat ka pare Serbisyo nila hindi na libre.