Ms. Landicho - Guro
Ms. Landicho - Guro Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Created: March 11, 2011 - Revised: September 15, 2020 Ako ay hindi matalino Pero hindi rin bobo May konting talento Na maipagmamalaki ko. Tumatambay sa kanto Naglalaro ng singko Ayoko ng basag-ulo Umiiwas sa gulo. Doon sa Gallardo May estudyanteng gago Pati teacher niloloko kaya galit si Ms. Landicho. Siya'y matapang na guro Hindi basta sumusuko Huwag maingay, ingat sa palo Pag ika'y nakita kurot sa nguso. Kapag siya'y nagalit lahat ay tahimik Kung wala kang assignment Tenga mo'y mapupunit. Sa nag-aaway pumapagitan Dinadaan nalang sa paligsahan Nagtuturo ng kabutihan Lahat ay nagiging kaibigan. Estudyante sumipag -mag-aral Pinagmamalaki ngayon ng magulang Lagi siyang pinasasalamatan At hindi rin nakakalimutan.