Prinsesa
Prinsesa ni. Lawrence R. Gonzales Revised: Nov. 11, 2021 Magmula nang Ika'y Masilayan Mga mata nati'y nagkatinginan Sa Puso ko'y may kaguluhan Parang manok nagtilaukan. Ganda ng buhok nakabibighani Napakaganda mo kung ngumiti Masilayan ka'y hinahangad kong lagi Kasiyahan kong makita kang muli. Sa tulad mong magandang binibini Laman ng puso'y di kayang ikubli Damdaming hindi mapakali Kailan kaya ito masasabi. Ika'y prinsesa sa gitna ng madla Ako'y nahalina sa maganda mong mukha Tulala at hindi makapagsalita Parang kulog na sa akin ay bumigla. Kung sakaling ako'y makalapit Huwag naman sanang ipagkait Ang makausap ka'y ipipilit Hindi ako nasisiraan ng bait. Kung ang dila ko may pilipit Dahil sa ako'y umiibig Pakiramdam ng puso'y iniipit Kapag hindi ako nakalapit. Paumanhin ako'y makulit Yung puso ko kasi masakit Mawawala itong sakit kung tayo'y magkakalapit.