Pulubi
Pulubi Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Mach 11, 2011 - Revised Nov. 6, 2021 Isang pulubi sa kalsada Naghihintay abutan ng barya Wala daw s'yang pamilya Na tutulong sa kanya. Gusto mo s'yang tulungan Pero hindi ka mayaman sa paanong paraan? Bigyan mo ng tanghalian. Ang kanyang tulugan Gilid ng simbahan Ang kanyang tahanan Malawak nitong bakuran. Butas-butas na damit Parang basahan pinag kabit-kabit Namamalimos sa gitna ng init Kanyang balat parang napupunit. Iyong pagmasdan kanyang katandaan Dapat nating kaawaan Araw-araw pinagtatabuyan Nakakatakot ding maranasan.