Pulubi
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Mach 11, 2011 - Revised Nov. 6, 2021
Isang pulubi sa kalsada
Naghihintay abutan ng barya
Wala daw s'yang pamilya
Na tutulong sa kanya.
Gusto mo s'yang tulungan
Pero hindi ka mayaman
sa paanong paraan?
Bigyan mo ng tanghalian.
Ang kanyang tulugan
Gilid ng simbahan
Ang kanyang tahanan
Malawak nitong bakuran.
Butas-butas na damit
Parang basahan pinag kabit-kabit
Namamalimos sa gitna ng init
Kanyang balat parang napupunit.
Iyong pagmasdan kanyang katandaan
Dapat nating kaawaan
Araw-araw pinagtatabuyan
Nakakatakot ding maranasan.
No comments:
Post a Comment
Thank you for taking the time to read my tagalog poems and funny moments