Posts
Showing posts with the label Love Poems
Prinsesa
- Get link
- X
- Other Apps
Prinsesa ni. Lawrence R. Gonzales Revised: Nov. 11, 2021 Magmula nang Ika'y Masilayan Mga mata nati'y nagkatinginan Sa Puso ko'y may kaguluhan Parang manok nagtilaukan. Ganda ng buhok nakabibighani Napakaganda mo kung ngumiti Masilayan ka'y hinahangad kong lagi Kasiyahan kong makita kang muli. Sa tulad mong magandang binibini Laman ng puso'y di kayang ikubli Damdaming hindi mapakali Kailan kaya ito masasabi. Ika'y prinsesa sa gitna ng madla Ako'y nahalina sa maganda mong mukha Tulala at hindi makapagsalita Parang kulog na sa akin ay bumigla. Kung sakaling ako'y makalapit Huwag naman sanang ipagkait Ang makausap ka'y ipipilit Hindi ako nasisiraan ng bait. Kung ang dila ko may pilipit Dahil sa ako'y umiibig Pakiramdam ng puso'y iniipit Kapag hindi ako nakalapit. Paumanhin ako'y makulit Yung puso ko kasi masakit Mawawala itong sakit kung tayo'y magkakalapit.
Naghintay Ako
- Get link
- X
- Other Apps
Naghintay Ako Isinulat ni Lawrence R. Gonzales November 12-24, 2021 1.28 AM, Wednesday Bakit hindi ka dumating Makita ka lang aking hiling Naghintay ako hanggang dilim Hindi ka pala darating. Labis akong nag-alala Nagpabalik-balik sa kalsada Hindi alam san pupunta Dahil ikaw ina-alala. Dahil sa iyong barkada Ako na itsapwera Ang hinihintay kong kasama Hanggang panaginip lang pala. Gusto kong sabihin I MISS YOU Huwag mokong bigyan ng TISSUE Kapag sinabi kong I LOVE YOU Walang problema, walang ISSUE. Ako sayo'y nagtapat Ang pag-ibig ko'y inilahad Pero hindi umangat Hindi moko tinanggap. Sa pagsubok dumaan Dala ko'y kahihiyan Kulang sa kakayahan Tinanggap ko'y kapintasan. Sa harap ng iyong kaibigan Ako'y naging mangmang Iba ang kanilang yabang Hindi jko kayang sabayan. Sa aking palagay Hindi nga tayo bagay Sa talino mong taglay Wala akong maibibigay.
Love at First Sight
- Get link
- X
- Other Apps
Love at First Sight Isinulat ni Lawrence R. Gonzales October 30, 2021 Narito ang binatang sa iyo'y humahanga Hinihintay ang pagdungaw mo sa bintana Para sa akin tulad mo ay tala Liwanag sa akin na tumatama. Ikaw ang pinakamagandang nakita ko Tumibok ng malakas ang puso ko Kung papana lang si Kupido Ang unang tatamaan ay ako. Parang love at first sight Hindi makatulog sa night Kahit gumamit nang dim light Yung paningin ko bright. Nais ko sanang magtanong Yung puso ko kasi nakakahon Puede kaya pagdating ng panahon Ikaw at ako sa habang panahon. Sa titig mong malagkit Magandang mata at singkit Parang puso'y sinumpit Walang salitang masambit. Kahit buhay ay maikli kung minsan pag-ibig ay pili Sa ganda ng iyong ngiti Mahagkan sana ang labi. Ang pagmasdan ka'y diko mapigil Parang oras tumitigil Walang ibang pinapansin Kundi ikaw lang sa paningin. Parang tumigil ang mundo Napalapit ako sa'yo At nagsabi ng ganito Napa-ibig ako sa'yo.
Akala Nagbago
- Get link
- X
- Other Apps
Akala Nagbago Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Saturday, April 23, 2022 Bagong kasal lang tayo Akala mo ako'y nagbago Ikaw agad ay nagreklamo Diko lang nasunod ang gusto. Nagsigawan tayo, nainis ako Binagsak ko ang pintuang ito At naglaglagan mga nakasabit dito Sa galit ko, sabay alis ako. Sa aking pag-uwi Ako'y pumikit sandali Nakatulog ng madali Paggising ko, sa inyo gusto mong umuwi. Kaya ka pala tahimik Binabalot mga damit Hindi ka naman umiimik Habang ako'y nakapikit. Pagtingin ko sa kwarto Wala mga damit mo dito Lumabas agad ako Inabutan ka sa kanto. Tumakbo ako ng mabilis Para hindi ka makaalis Huwag kang aalis Mababaliw ako ng labis. Kapag ika'y hinayaan Puso ko'y masasaktan Kaya't Ika'y pipigilan Sa balak mong paglisan. Akin na ang gamit mo Huwag kana umiyak mahal ko Hindi naman ako nagbago Nainis lang ako. Yayakapin ka ng mahigpit Hahalikan ng paulit-ulit Nais mo bang marinig Pag-ibig ko sa'yo hanggang langit. Ayoko...
Love Letter
- Get link
- X
- Other Apps
Love Letter Ni Lawrence R . Gonzales July 25, 2020 Kay tagal naman dumating Sulat mo lang aking hiling Mula umaga hanggang dilim Inaabangan kong ibigay sa akin. Ano kaya itong pagmamahal Parang pamasahe kay mahal Kung ako kaya ay magtanghal Pansinin kaya ako ng minamahal . Nasa bintana nakatingin Kailan kaya d arating Sulat mong paparating Kartero dumaan ka sa'min . Ang sulat kong nais iparating Naglalaman ng aking damdamin Nasasabik akong sulat mo’y basahin Nais kong malaman ang tugon mo sa akin. Napakalayo ng ating pagitan Ganito ba talaga ang sukatan Kailangan pa ng barko para puntahan Eroplano para ...
Aalis kana bukas?
- Get link
- X
- Other Apps
Aalis kana bukas Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Created: 8:00pm September 3, 2020 - Last Modified: 10:27pm September 5, 2020 Aalis kana bukas Wala nakong kausap Tingin nalang sa ulap Sa hangin, makikipag-usap. Puntahan kaya kita! Yung gamit mo, ako na magdala Mag-aral din kaya ako sa manila Para araw-araw makasama kita. Sa ganitong sitwasyon Kailangan natin ng theme song May magandang kanta ngayon Para sa'kin You are my song. Unang araw na wala ka Yung boses mo nasa tenga kopa Hindi ako makabasa ng letra Pangalan mo ang nakikita. Mag-aral kang mabuti Para sa iyong sarili Nandito lang nakatabi Maghihintay hanggang huli. Tinawag ako ni nanay Sa telepono may naghihintay Magandang boses na malumanay Kay tagal ko itong hinintay.
Pusong Nalilito
- Get link
- X
- Other Apps
Pusong Nalilito Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created 6:30pm - Last Modified 6:48pm Saturday, September 5, 2020 Kung minsan ang puso nalilito Pero yung damdamin hindi nagbabago Naalala ko nung tayo Yung araw ko hindi kumpleto. Humanga ako sa iba Nabighani sa talino at ganda Magkasundo kami nung una Pero ngayon wala na. Paano ko ba sasabihin Nang saktan ko ang iyong damdamin Naisip kong ikaw parin Nilalaman nitong damdamin. Paano kaya mag-uumpisa Kahit magsalita hindi ko kaya Ngayong kaharap kana Nanlalamig at kumakaba. Kung ika'y magalit tatanggapin ko Kung ako'y pahirapan gagawin ko At kung ako'y saktan titiisin ko Maitama ko lang yung pagkakamali ko. Bibigyan ka ng bulaklak na paborito mo Hahanapin ko ang pagkain na gusto Gagawin ko anuman ipag-utos mo Magkasundo lang muli tayo.
Kapag Puso'y Nasaktan
- Get link
- X
- Other Apps
Kapag Puso'y Nasaktan Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created: August 9, 2020 Last modified: 7:08pm September 5, 2020 Kapag puso'y nasaktan Masakit talaga sa pakiramdam Pero ang kagandahan Mayroon kang natutunan. Mayroon parin sa'yong magmamahal Maghintay ka lang baka nariyan Baka lihim kang pinagmamasdan Pagkat tunay yung pagmamahal. Ang puso mo ngayon Ay tulad ng kahon Wala siyang laman ngayon Pero mapupuno sa tamang panahon. Darating din yung pagkakataon Malay mo baka ngayon Si right person na tanong Kaibigan mo pala noon. Hindi mo na kailangang mag-alala Dahil matagal mo na siyang kilala Na miss ka daw nya ng sobra Yung ngiti hanggang tenga.
Love Letter
- Get link
- X
- Other Apps
Love Letter Ni Lawrence R . Gonzales July 25, 2020 Kay tagal naman dumating Sulat mo lang aking hiling Mula umaga hanggang dilim Inaabangan kong ibigay sa akin. Ano kaya itong pagmamahal Parang pamasahe kay mahal Kung ako kaya ay magtanghal Pansinin kaya ako ng minamahal . Nasa bintana nakatingin Ang sulat mo kaya ay d arating Yung kartero dumaan sa amin Pero walang sulat para sa akin. Ang sulat kong nais iparating Naglalaman ng aking damdamin Nasasabik akong sulat mo’y basahin Nais kong malaman ang tugon mo sa akin. Napakalayo ng ating pagitan Ganito ba talaga ang sukata...
Paghanga
- Get link
- X
- Other Apps
Paghanga Isinulat ni Lawrence R. Gonzales May 23, 2019 - Nov 11, 2021 Ang iyong mga matang marikit, Kapag sa akin ay tumitig Mata ko'y ayaw ng pumikit Sa'yo lamang nakatitig. Kung minsan nais kong umawit Kahit di maganda tinig Bakit ba ganito ang pag-ibig Labis akong naliligalig. Ang puso ko'y gustong mangusap, Ngunit sa bibig ko'y walang lumalabas na pangungusap, Gusto ko sa iyo'y makipag-usap, Upang magandang sandali ay malasap. Kay ganda ng iyong ngiti, Sana ito'y manatili, Kung ang puso ko ay magkukubli, Sa iyong likod ako ay tatabi.
Torpe
- Get link
- X
- Other Apps
Torpe Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Created: March 11, 2011 - Revised: September 15, 2020 Puso at isip nag-aaway Hindi ako mapalagay Nakita kang may kaakbay Parang ako'y mamamatay. Kapag ika'y nasa tabi Wala naman akong masabi Para akong pipi Naghahanap ng kakampi. Lagi kitang pinagmamasdan Ikaw ang laman ng aking dasal Pangarap kong inaasam Sa akin ka makasal. Ikaw sa aking isip Narito sa panaginip Paulit-ulit na sinasambit Pag-ibig mo sana'y masungkit. Mukhang pag-ibig na ito Sana nga ay totoo Kung puede lang tayo Lahat gagawin para sa'yo. Kung ako'y maghihintay Gusto ko munang maglakbay Pagod na pusong nagbabantay Ikaw lamang ang hinihintay.
Pusong Pilay
- Get link
- X
- Other Apps
Pusong Pilay Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Ang puso kong pilay Bigyan mo sana ng saklay Ikaw sana sa akin ay umalalay Upang puso ko ay muling mabuhay Kahit ako’y isang tanga Sa puso ko’y walang iba Walang dapat ipangamba Sa puso ko, Ika’y nag-iisa Kahit sino madadaig Sa ibabaw ng daigdig Sa ngalan ng pag-ibig Ibibigay ko lakas at bisig. Pag-ibig ko’y hindi magmamaliw Sabihin man nila na ako’y baliw Paglilingkuran ka aking giliw Araw-araw ika’y maaaliw Ang puso ko’y sumisigaw Damdamin ay humihiyaw Nagwawala na parang langaw Pag-ibig ko’y mainit pa sa inihaw. Lagi kong ihahain Paborito mong pagkain Masasarap na lutuin Kasing tamis ng aking damdamin
Bagong Kasal
- Get link
- X
- Other Apps
Bagong Kasal Isinulat ni Lawrence R. Gonzales February 27, 2011 Tayo ay nagpakasal Pero ako ay nasakal Sa luto mo parang bakal Parang ako'y nagpatiwakal. Ikaw ay nagluto ng sinaing Pero ito'y naging uling. Kahit ipakain sa kambing Siguradong maduduling Ako'y nagpaluto ng paborito Masarap na ulam adobo Iniwan mo naging tostado Kaya yung kulay parang chonggo Aking mahal huwag magalit Yung luto mo diko nilalait Ang pagkain natin laging mapait Katibayan ba ito na ika'y galit. Bakit noon masarap yung luto Bakit ngayon tila naglaho Nagbago ang pakikitungo O bumibili ka lang ng luto. Sa tuwing aakyat ng ligaw May nakahandang masarap sa sabaw Nakakapawi ng uhaw Nainggit pati ang langaw. Aking nalaman ang pinagmulan Di inaasahang ito'y matuklasan Sikreto ng pagkain na malinamnam Inorder lang pala sa restaurant. Kaya pala masarap ang pagkain Mabilis karing maghain Konti lang yung hinain Masarap kainin. Mahal kita walang iba Kahit ulam natin tinapa Ikaw parin sinta Mahal kita,...