Posts

Showing posts with the label Sad Poems

Ang Buhay Mahirap

Image

Pulitiko at Kandidato

Image
Pulitiko at Kandidato Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created: October 24, 2010 Malapit na ang botohan Maraming proyekto pamahalaan Kalsada aayusan at semento lalapatan Para mabango ang pangalan. Ang mga tao lalapitan Mangangako na tutulungan Pero hindi kana babalikan Sasabihin ika'y nakalimutan. Kahit napapagod sa lakaran Kahit sila ay mahirapan Basta may kapangyarihan At dadami ang kayamanan. Ang tao paglalaruan Sa kanyang gimik at kalokohan Kunwari para sa kahirapan Yun pala magiging kawatan. Pulitiko at kandidato  Ang ganda ng kanilang kwento Pagkatapos iboto at palarin sa pwesto Makakalimutan na ang pangako sa tao. Para silang mga tigre Nagkalat na buetre Mag-ingat ka pare Serbisyo nila hindi na libre.  

Kalayaan sa Sarili

Image
Assignment: Tungkol sa kalayaan sa sarili Wala pang title isinulat ni Lawrence R. Gonzales. September 22, 2019 Kabataan nga ako, ngunit alipin Hindi matapos itong suliranin Kung ibubuhos parang buhangin Kung kaya't akoy naging iyakin. Kay bigat nitong damdamin Walang tumutulong sa aking hinaing. Nahihirapan sa mga gawain Ano kaya ang dapat kong gawin. Sa Diyos akoy dumalangin Upang kalayaan ay aking kamtin Kabigatan sa puso ay aalisin Oh! Panginoon kasiyahan koy lubusin. Aking Panginoon ikay kukulitin Upang akoy iyong pasayahin buhay ko'y kaya mong baguhin magagawa mo akong patatagin. Aming assignment mahirap gawin Gayunman ay kinakaya padin Bigyan kasiglahan sa bawat aralin Upang pangarap magawa kong abutin.

Pulubi

Image
Pulubi Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Mach 11, 2011 - Revised Nov. 6, 2021 Isang pulubi sa kalsada Naghihintay abutan ng barya Wala daw s'yang pamilya Na tutulong sa kanya. Gusto mo s'yang tulungan Pero hindi ka mayaman sa paanong paraan? Bigyan mo ng tanghalian. Ang kanyang tulugan Gilid ng simbahan Ang kanyang tahanan Malawak nitong bakuran. Butas-butas na damit Parang basahan pinag kabit-kabit Namamalimos sa gitna ng init Kanyang balat parang napupunit. Iyong pagmasdan kanyang katandaan Dapat nating kaawaan Araw-araw pinagtatabuyan Nakakatakot ding maranasan.

Paalam Tatay

Image
Paalam Tatay Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales October 15, 2011  Ang mahal kong tatay Isang linggo ika'y nakaratay Aking dalangin huwag sanang humimlay Laging nagdarasal na ika'y magkamalay. Ang mga tao sa bahay Pagbabalik mo ay hinihintay Mga nagmamahal pati kapit-bahay Pinagdarasal nila ang iyong buhay. Ang iyong anak ay naglalambing Pakiusap huwag ka sanang mahimbing Manatili ka sana, Ang tangi kong hiling Nais kong makita ka na ika'y gising. Subalit hindi ko inaasahan Sa piling ko ikaw ay lilisan Tunay ngang buhay ng tao, may katapusan Hinding-hindi kita malilimutan. Habang ika'y narito sa himlayan Asahan mong lagi, ika'y babantayan Pagkat pagmamahal ko'y walang hangganan Tulad ng kalawakan, walang katapusan. Sa iyong paglisan, mayroong kalungkutan Ngunit kapalit nito'y iyong kapayapaan Ngayo'y natagpuan tunay na katahimikan Doon sa langit na may kalayaan. Ika'y ihahatid sa huling hantungan Sa huling pagkakataon, ika'y masilay...

Paalam Tatay

Image

Dalagang Ina

Image

Buhay Tindera

Image

Batang Paslit

Image

Paalam Anak

Image
Paalam Anak - Sweet Denice Gonzales Isinulat ni Lawrence R. Gonzales May pulong sa amin Kasama kaibigan namin Sa Gitna ng Kuwentuhan Misis ko sumakit ang tiyan. Hating gabi ako ay ginising  Si Misis, sa sakit dumadaing Sa bahay agad lumisan Doktora agad tinawagan.  Sa hospital ako'y nahimbing Paggising ko mayroon na kaming supling Pinatawag ako sa operating Para sanggol ay aking silipin. Ako'y nalungkot sa aking nakita Maraming tao nakapaligid sa kanya Ang anak ko na sanggol pa Agad sa akin binawi na. Habang ako'y lumalapit Ang puso ko'y parang mapupunit Parang ako'y hinahagupit Ang dibdib ko sobrang sakit. Aking anak gumising ka Ang iyong ama narito na Kahit konti umiyak ka Gusto kong makita na buhay ka. Maliit mong tinig Nais kong marinig Katawan mong malamig Yayakapin ko ng mahigpit. Habang ikaw ay aking yakap Ang luha ko ay pumapatak Parang ulan na bumabagsak Napapasigaw ng malakas. Kailangang tanggapin Masakit man sa damdamin Ang Diyos ay mabuti parin Sapagkat ...

Pulis

Image