Posts

Showing posts with the label Puso at Isip

Puso at Isip

Image
Puso at Isip Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Created: June 11, 2011 Huminga ng malalim at pumikit Damhin ang hanging nagmumukla sa langit Katahimikan ng puso at isip ay mararamdaman Kaloob ng langit ay kapayapaan. Isang kalungkutan, libong kaligayan Huwag magpatalo at maging matapang Ang hamon ng buhay ay sadyang makulay Ika'y magpasalamat sa Diyos na buhay. Pagkat binigyan ka ng buhay Dito sa mundo ika'y nagkamalay Kailangan mong manatiling buhay Para sa mga mahal mo sa buhay. Harapin ang pagsubok ng buong tapang Huwag na huwag kang mag-alinlangan Ang Diyos ay lubos na nagmamahal Siya lang ang iyong maaasahan. Ang puso ay sagisag ng pagmamahal Ang isip ay katalinuhan Ang dibdib ay katapangan Kaya lagi mo sanang tandaan. Si Hesus ay sandigan Lagi s'yang maaasahan Magtiwala sa kanyang kapangyarihan Nangakong hindi ka pababayaan.