Posts

Showing posts with the label Kahulugan ng Pasko

Kahulugan ng Pasko

Image
Kahulugan ng Pasko Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created: December 23, 2010 - Revised: September 13, 2020 Ang pasko ay si Hesus Isinilang anak ng Diyos At siya ang tutubos Upang kasalanan ay matapos. Tatlong pantas ay nag-alay Buhat sa malayo sila'y naglakbay Upang makita ang Diyos na buhay Kay Lord Jesus sila ay nagpugay. Ang pasko ay pagmamahalan Tinubos ang ating kasalanan Dapat lang na siya'y pasalamatan Ang ginawa niya'y huwag kalimutan. Huwag nang sisihin ang may kasalanan Magpatawad yan ang kailangan kung ika'y nasaktan, iyo nang kalimutan At simulan ang buhay na may katahimikan. Ang pasko ay pagbibigayan Buhay ni Lord Jesus sa atin inilaan Kapalit ay ating kaligtasan Inako niya ang ating kasalanan. Ang pasko ay pagkakaisa Salamat Lord Jesus, Ika'y nakilala Dahil sa iyo marami akong kasama Nagpupuri sa iyo at sumasamba. Ang pasko ay pag-ibig Si Lord Jesus laging nasa isip Para sa kanya ang aking tinig Buong puso na umaawit. Ika'y dapat makilala ng tao...