Dalangin
Dalangin Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created: June 11, 2011 - Revised: September 13, 2020 Ang kabutihan ay masusuklian Sa paanomg paraan ay hindi alam Lagi lang manalig at magdasal Mararamdaman ang kanyang pagmamahal. Amang nasa langit, kahit ako ay makulit Ang pag-big mo ay hindi maliit Ako ay susunod at luluhod Hanggang ang tuhod ko'y maging tuod. Oh! Diyos na aking hari, Ama ng aking lahi Gabayan mo ang aking lipi, ang buhay ko ikaw ang may-ari Aking pagkakamali, patawad ang minimithi Sa bawat sandali, ikaw ang papawi. Diyablo na walang alam na laging nakaabang Kami'y tigilan, Diyos namin ay makapangyarihan Panalangin kong taglay, hindi ito sasablay Pagkat ang Panginoong Hesus ang siyang aking gabay.