Posts

Showing posts with the label Family Poems

Laging Cellphone Hawak

Image
Laging Cellphone Hawak Isinulat ni Lawrence R. Gonzales October 16, 2021 Ang katamaran ay kakambal ng kagutuman Lalo na yung mga batang ayaw mautusan Magtatampo pa yan kapag pinagsabihan Hahaba ang nguso at padabog-dabog pa'yan. Sasabihin pang ako nalang lagi inuutusan Gayung s'ya lang naman kasama sa tahanan Sasabihin pang dami namang uurungan Kasi naman kagabi pa yung pinagkainan. Inabutan na nang tanghalian Dumami tuloy huhugasan Naipon tuloy ang urungan Kasi naman, kagabi kapa inuutusan. Kakanood ng Korean Drama Pati linya nakukuha Kung minsan parang artista Pati eksena ginagaya. Kapag nagugutom naghahanap ng pagkain Kapag luto na kay hirap naman tawagin Ayaw naman magluto para makakain Ang gusto lagi nalang ipaghahain. Lagi nalang sa cellphone nakatingin Kaya yung oras hindi napapansin Kahit sa oras ng pagkain Kasama parin kumakain. Cellphone ay laging hawak Hindi mo na matawag Lagi nalang nakababad Hindi na nilalapag. Hindi kaba napapagod Sumasakit ang mata kakanood Okey ...

Mahal kong Tatay - Happy Father's Day

Image
Happy Father's Day Mahal kong Tatay Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales June 19, 2011   Sa Pagkain lagi kang kasabay Ako ang iyong panaganay Maraming salamat sa iyong gabay Pangaral mo ang naging patnubay. Mga kuwento mong nakakatwa Kapag narinig ko, ako'y sumasaya Sana'y kasama pa kita Ang minamahal kong ama. Ikaw ang aking tagapagtanggol Mula pa noong ako'y sanggol May gumalang aong ulol Bigla kang dumating at iyong pinukol Sa sobrang takot ako ay nabulol. Ako ay nasaktan at napilayan Hindi makalakad sa kabukiran Ako'y pinasan sa iyong likuran At dinala sa agad sa pagamutan. Nang makita ka sa hospital Ang puso ko'y tila napigtal Unti-unti akong nauutal At parang ako'y sinasakal. Ang mahal kong tatay Ang tula ko sa'yo inaalay Sana'y kapiling ka at gabay Sa puso ko ikaw ay buhay.

Mahal Kong Nanay - Happy Mother's Day

Image