Divorce
Divorce - kapag usapang Kristiyano syempre NO yan dahil alam naman natin ang isasagot nang iba, pero kapag usapang hindi Kristiyano YES yan dahil para sa iba solusyon yan para maging malaya. Ganito ang sabi ni Apostol Pablo sa 1 Corinto 7:12 Sa iba naman, ito ang sinasabi ko ako ang nagsasabi at hindi ang Panginoon: 15 Kung nais namang humiwalay ng asawang hindi mananampalataya sa kanyang asawang sumasampalataya, hayaan ninyo siyang humiwalay. Sa gayong mga pagkakataon, ang hinihiwalayan ay malaya na sapagkat tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. SND - MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA PAG-AASAWA 1 Corinto 7:3 Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman ang babae. 6 Ang sinasabi ko'y hindi utos kundi pang-unawa sa inyong kalagayan. 1 Corinto 7:10 Ito naman ang iniuutos sa mga may asawa, hindi mula sa akin kundi mula sa Panginoon: huwag makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa. 11 Ngunit kung siya'y hihiwalay, manatili siyang walang asaw...