Divorce - kapag usapang Kristiyano syempre NO yan dahil alam naman natin ang isasagot nang iba, pero kapag usapang hindi Kristiyano YES yan dahil para sa iba solusyon yan para maging malaya. Ganito ang sabi ni Apostol Pablo sa
1 Corinto 7:12 Sa iba naman, ito ang sinasabi ko ako ang nagsasabi at hindi ang Panginoon: 15 Kung nais namang humiwalay ng asawang hindi mananampalataya sa kanyang asawang sumasampalataya, hayaan ninyo siyang humiwalay. Sa gayong mga pagkakataon, ang hinihiwalayan ay malaya na sapagkat tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa.
SND - MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA PAG-AASAWA 1 Corinto 7:3 Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman ang babae. 6 Ang sinasabi ko'y hindi utos kundi pang-unawa sa inyong kalagayan.
1 Corinto 7:10 Ito naman ang iniuutos sa mga may asawa, hindi mula sa akin kundi mula sa Panginoon: huwag makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa. 11 Ngunit kung siya'y hihiwalay, manatili siyang walang asawa, o kaya'y muling makipagkasundo sa kanyang asawa. At huwag rin namang palalayasin at hihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa.
Ang kalagayan at sitwasyon ng tao ay iba-iba mayroon tayong tinatawag na karapatang pang tao at hindi iyun dapat maabuso papayagan ng batas na ihiwalay ang asawa kung ito'y nasa panganib ang buhay tulad ng pambubugbog, pagbebenta at pagtatangkang patayin ang sariling asawa at dapat makulong ang gagawa nito at bigyan ng mabigat na parusa. Papayagang humiwalay ang taong nangangalunya pero hindi na papayagan na mag-asawang muli gusto mo sa putik mabaon ka sa putik, gusto mo sa pagkakasala mamuhay kang nagkakasala hanggang sa ika'y magsisi at muling makipagkasundo sa asawa. Hindi papayagang maghiwalay ang mag-asawang hindi lamang magkasundo.
No comments:
Post a Comment
Thank you for taking the time to read my tagalog poems and funny moments