Posts

Showing posts with the label Maikling Tula

Mahal Pa Rin

Mahal Pa Rin  Isinulat ni Lawrence Gonzales  January 25, 2025, 7:26Pm Hindi magsasawang pagmasdan Lalo na't ika'y minamahal Para sa'kin Ang iyong kagandahan Ay tulad parin Nung tayo'y kabataan. Kahit lagi Kang Galit Hindi kita ipagpapalit Kapag ika'y masungit Kunwari di kita nadidinig. Kahit ako'y batohin Buong pusong sasaluhin Ang ibig kong sabihin Ika'y mahal parin.

Mag-aral ng Maikling Tula

Image
Maikling Tula  ni Lawrence R. Gonzales Ang tula ay nakakamangha Pinagsama-samang salita Pagbigkas ko'y nakakatuwa Dahil sa ganda ng tugma Salitang babanggitin Nagmula sa damdamin Kaibig-ibig bigkasin Kaaya-ayang usapin Halina at basahin Ang laman ng damdamin Humarap sa salamin at aking sasabihin.