Tambay

Tambay

Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
February 12, 2023
Sunday

Maglalakad sa kalye
Pupunta ng Sine
Manonood ng karate
Tambay hanggang gabe

Ang lamig ng aircon
Puedeng matulog maghapon
Yung palabas kahapon
Uulitin ko ngayon.

Bibili ng merienda
Kulang ng barya
Pagsapit ng umaga
Wala nang pera

Mahirap walang trabaho
Pupunta sa kanto
Mauupo sa semento
Sa dumadaan nakuntento

Palakad-lakad sa palengke
Naubusan ng pamasahe
Natuksong nakawan yung ale
Naisip kong mali yun pare

Ayoko ng ganitong buhay
Parang laging sablay
Yung classmate kong kasabay
Maganda na ang buhay.

Bukas ng umaga
Magbihis ng maganda
Sa interview pupunta
Para sa trabaho pipila.

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin, Halimbawa at Paliwanag

Salawikain, Halimbawa at Kahulugan

Mga Bugtong at Halimbawa