Ang pamahiin ay ang mga paniniwala ng mga matatanda na may relasyon sa mga ginagawa natin at nakikita natin, isang paniniwala na walang basehan kung ito ay totoo o hindi o nagkataon lamang. Higit na mabuti kung makikinig tayo sa mga pamahiin na may magagawang mabuti para sa atin upang tayo ay manatiling ligtas at malayo sa kapahamakan.
Ang Salawikain o Kasabihan ay madalas nating naririnig banggitin ng mga matatanda bilang paalala o pangaral sa atin subalit hindi binibigyan ng pansin ang mga salita lalo na ng mga kabataan. Ang mga salita ay matalinghaga subalit may kahulugan upang mapag ingatan natin ang mga sarili at mapaghandaan ang kinabukasan.
Ano ang Bugtong? sagot: Palaisipan, Pahulaan Ang bugtong ay isa ring laro ng patalasan ng isip dahil kailangan mong hulaan ang sagot nito, puedeng laruin ng mga bata o matatanda habang kayo ay nagpapahinga o nag-uusap ng iyong mga kaibigan, kalaro at kapamilya. Ang larong palaisipan na tulad nito ay masayang laro at mayroon kang matutunan tulad ng mga bagay na hindi mo alam. 15 . Isang Balong Malalim, punong puno ng patalim. Sagot: Bibig ...
Comments
Post a Comment
Thank you for taking the time to read my tagalog poems and funny moments