Dahil sa Kasalanan
Dahil sa Kasalanan Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Created: October 27, 2011 - Revised: September 15, 2020 Dahil sa aking kasalanan Lagi kitang iniiwasan Madalas kitang talikuran Muntik na kitang kalimutan. Dahil nais ko ay kaligtasan Patawad sa aking alinlangan Kamay ko ay iyong hawakan Huwag mo akong bitawan. Ilayo mo ako sa kapahamakan Pati na rin sa kaguluhan May dala itong kabigatan Ang damdamin ay pahihirapan. Dumanas man ng kabiguan At labis na kalungkutan Nalubog man sa kahirapan Ikaw parin ay pasasalamatan. Sa gitna ng kadiliman Lumulutang isipan, hindi ko malaman Ang landas na patutunguhan Ikaw Hesus ang aking kailangan Ako'y iyong samahan Saan man ako magdaan Lagi mo akong gabayan At iyong ingatan. Ang landas ng kabutihan Na ikaw ang may alam Baguhin ako at turuan Patungo sa iyong kaharian.