Posts

Panalangin at Awit sa Diyos

Image
Awit / Psalm   Awit | 18 | 22 | 33 | 40 | 45 | 66 | 67 | 68 | 78 |  81 |  84 |  87 | 92 | 95 |  100 | 104 | 105 | 107 |  111 |  113 | 114 | 115 | 117 | 118 | 132 | 135 | 136 | 145 |  149 | Panalangin ng Nagdaranas ng Hirap Awit | 138 | 139 | Panalangin ng Isang Maysakit Awit |  41 | Panalangin ng Isang Matanda Na Awit | 71 | Panalangin ng Pagpupuri   Awit | 27 ...

Dakilang Pangalan - Jesus Is Lord and God

Image
Dakilang Pangalan Jesus Is Lord and God     Ako ay lingkod na taong mahina Subalit pinalakas ng iyong salita Ikaw ang Diyos na tunay at dakila Iligtas mo ako at sa akin ay maawa. Araw at gabi'y dumadalangin Sana'y dinggin itong hinaing Ang paghihirap nitong damdamin Kabigatan sa puso'y iyong alisin. Sinasamba ko ang iyong pangalan At pinupuri ang iyong kadakilaan Tagapagligtas ng aking bayan Ang tahanan ko'y hindi mo pababayaan. Ang Diyos na si Yahweh ay ating luhuran At ating igalang ang dakilang pangalan Ang bayang israel ay kanyang iningatan At pinagtatanggol sa kalaban. Ako'y patawarin sa aking kasalanan Pagkakamali ko'y di namalayan Ang aking pagsamo sana'y maunawaan Humihingi po ako ng kapatawaran. Ang Panginoong Jesus nasa amain ay nagligtas Kailanman hindi siya nagmataas Kadakilaan ang pinamalas Mga himalang nagbibigay lunas.

Boksingero

Image
Boksingero Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales Date Created: 12:30pm -  Last Modified: 1:12pm September 6, 2020 Nagdarasal bago lumaban Sa Diyos ang sandigan Nagbibigay kalakasan kapag malakas ang kalaban. Bago simulan ang bakbakan Sinusubok ang kakayahan Para suntok ay maiwasan Kanila munang pinag-aaralan. Isang suntok pinakawalan Mahirap itong pigilan  kailangan agad iwasan Para hindi tamaan. May magaspang ang asal Feeling katawan ay bakal Malakas pang mang-asar Kaya pahiya nang tamaan. Bawat suntok na bitawan Parang wala nang pakiramdam Sa dami ng tama sa katawan Nakatayo parin at lumalaban. Nakita mo naman sa katawan Puro muscle ang laman Kung hanap mo sakit ng katawan Parang sinuntok ka ni superman. Sa gitna ng hiyawan Matalim parin ang tinginan Isa lang pumapasok sa isipan Kundi patulugin ang kalaban.

Driver ng Jeep

Image
Driver ng Jeep Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales Created: October 11, 2011 -  Revised: September 12, 2020 May driver na mabait Yung sukli binabalik Meron namang kainis Yung parang walang naririnig. Ang driver na sweet lover Sa pag-ibig parang flying saucer Matulis pa sa screw driver Kung mambola tagos hanggang liver. Kapag may seksing sumakay Parang gustong umakbay Pag holdaper ang sakay Tatalon kahit sa tulay. Ang driver kapag tinoyo kahit malapit kana sa kanto ilalagpas pa ng preno Ikaw pa masama sa kuwento.   Hari daw ng kalsada Mas sikat pa sa kalesa Araw-araw ay bida Tulad ng sikat na artista. Kapag mainit ang ulo Nagiging barumbado Inaaway pati pasahero Nauuwi sa basag-ulo. Kung magmaneho bara-bara Ang tamaan pasensya Wala naman pambayad sa disgrasya Walang ingat sa kalsada. Ang mahal ng gasolina Konti lang ang kita Paano kaya magkakasya Para sa kanyang pamilya.   Gumigising ng maaga Para kumita ng pera Maghapon papasada May pulis na eeksena. Nasaan a...

Puso at Isip

Image
Puso at Isip Isinulat ni Lawrence R. Gonzales Created: June 11, 2011 Huminga ng malalim at pumikit Damhin ang hanging nagmumukla sa langit Katahimikan ng puso at isip ay mararamdaman Kaloob ng langit ay kapayapaan. Isang kalungkutan, libong kaligayan Huwag magpatalo at maging matapang Ang hamon ng buhay ay sadyang makulay Ika'y magpasalamat sa Diyos na buhay. Pagkat binigyan ka ng buhay Dito sa mundo ika'y nagkamalay Kailangan mong manatiling buhay Para sa mga mahal mo sa buhay. Harapin ang pagsubok ng buong tapang Huwag na huwag kang mag-alinlangan Ang Diyos ay lubos na nagmamahal Siya lang ang iyong maaasahan. Ang puso ay sagisag ng pagmamahal Ang isip ay katalinuhan Ang dibdib ay katapangan Kaya lagi mo sanang tandaan. Si Hesus ay sandigan Lagi s'yang maaasahan Magtiwala sa kanyang kapangyarihan Nangakong hindi ka pababayaan.

Dalangin

Image
Dalangin Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created: June 11, 2011 -  Revised: September 13, 2020 Ang kabutihan ay masusuklian Sa paanomg paraan ay hindi alam Lagi lang manalig at magdasal Mararamdaman ang kanyang pagmamahal. Amang nasa langit, kahit ako ay makulit Ang pag-big mo ay hindi maliit Ako ay susunod at luluhod Hanggang ang tuhod ko'y maging tuod. Oh! Diyos na aking hari, Ama ng aking lahi Gabayan mo ang aking lipi, ang buhay ko ikaw ang may-ari Aking pagkakamali, patawad ang minimithi Sa bawat sandali, ikaw ang papawi. Diyablo na walang alam na laging nakaabang Kami'y tigilan, Diyos namin ay makapangyarihan Panalangin kong taglay, hindi ito sasablay Pagkat ang Panginoong Hesus ang siyang aking gabay.

Kahulugan ng Pasko

Image
Kahulugan ng Pasko Isinulat ni. Lawrence R. Gonzales Created: December 23, 2010 - Revised: September 13, 2020 Ang pasko ay si Hesus Isinilang anak ng Diyos At siya ang tutubos Upang kasalanan ay matapos. Tatlong pantas ay nag-alay Buhat sa malayo sila'y naglakbay Upang makita ang Diyos na buhay Kay Lord Jesus sila ay nagpugay. Ang pasko ay pagmamahalan Tinubos ang ating kasalanan Dapat lang na siya'y pasalamatan Ang ginawa niya'y huwag kalimutan. Huwag nang sisihin ang may kasalanan Magpatawad yan ang kailangan kung ika'y nasaktan, iyo nang kalimutan At simulan ang buhay na may katahimikan. Ang pasko ay pagbibigayan Buhay ni Lord Jesus sa atin inilaan Kapalit ay ating kaligtasan Inako niya ang ating kasalanan. Ang pasko ay pagkakaisa Salamat Lord Jesus, Ika'y nakilala Dahil sa iyo marami akong kasama Nagpupuri sa iyo at sumasamba. Ang pasko ay pag-ibig Si Lord Jesus laging nasa isip Para sa kanya ang aking tinig Buong puso na umaawit. Ika'y dapat makilala ng tao...