Posts
Pagsilang ng Mesiyas
- Get link
- X
- Other Apps
Pagsilang ng Mesiyas ni. Lawrence R. Gonzales October 18, 2012 Isang anghel ang biglang lumabas Mensaherong nagmula sa itaas Upang ihayag, ang pagdating ng Mesiyas Ang nag-iisang tagapagligtas. Isang hari ang ipinanganak Ang sabi ng anghel tayo'y magalak Mapalad ang taong mahihirap Narito na ang Diyos na sa atin ay lilingap.. Isang bituin ang tila nagningas Nagsilbing ilaw ng mga pantas Upang mahanap ang tamang landas Sa kinaroroonan ng mesiyas. Si haring herodes ay marahas Ang tulad niya ay parang ahas Binalak linlangin ang mga pantas Kanyang kabaitan ay isang palabas. Inutos ng hari mga bata ay patayin Kahit mga sanggol ay hindi patatawarin Akala ng hari trono ay aagawin Kung kaya't si Hesus ay nais niyang paslangin.. Sa tulong ng anghel sila'y nakatakas At sa panganib sila'y nakaligtas Sa Bethlehem lihim silang nakalabas Lumaki ang bata na matalino at malakas.
Gupit Dora
- Get link
- X
- Other Apps
Gupit Dora ni. Lawrence R. Gonzales October 24, 2012 Nagpagupit ng buhok tulad ni Dora Bagay naman at maganda Kahit ano pang sabihin nila Huwag mong hayaan na guluhin ka nila. May tatalo paba sa tamis ng ngiti Makintab na buhok na pinaigsi Magandang kutis na sadyang maputi Parang bituin sa langit na palamuti. Nakapila ang iyong manliligaw Kayraming gustong dumalaw Matiyaga parang kalabaw Hindi sumusuko kahit mainit ang araw. Labis yata silang nabighani Dahil sa iyo hindi na makauwi Pagkat ikaw iniisip lagi Nakalimutan yata daan pauwi. Hindi makalapit, kahit gustong malambing Baka mapahiya at sa iba bumaling Isang sulyap lang hinihiling Napakalambing ng iyong dating.
Ang Puso Mo
- Get link
- X
- Other Apps
Ang Puso mo ni. Lawrence R. Gonzales October 24, 2012 Wala akong nakitang kahinaan mo Kundi kalakasan na taglay mo Kahit malumanay ang salita mo Mananatiling malakas ang puso mo Ang karunungan mong taglay Wala itong kapantay Diyos ang magpapatunay Minamahal ka niyang tunay Upang gumaan ang iyong kalooban Luha ay huwag mong pigilan Hayaan mong lupa ay bagsakan Sabay tawag sa kalangitan Sinabi ng Diyos, "Hindi kita iiwan" (Hebreo 3:5) Kasama mong lagi, saan ka man pumaroon Para sa iyong kaligtasan at kapanatagan Kahit mga anghel uutusan ngayon (Awit 91) Kahit ika'y mahirapan ngayon At masaktan sa pangit na sitwasyon Huwag sanang kalimutan, laging tandaan Diyos parin ang matibay na tanggulan (Kawikaan 18:10)
Panalangin at Awit sa Diyos
- Get link
- X
- Other Apps
Awit / Psalm Awit | 18 | 22 | 33 | 40 | 45 | 66 | 67 | 68 | 78 | 81 | 84 | 87 | 92 | 95 | 100 | 104 | 105 | 107 | 111 | 113 | 114 | 115 | 117 | 118 | 132 | 135 | 136 | 145 | 149 | Panalangin ng Nagdaranas ng Hirap Awit | 138 | 139 | Panalangin ng Isang Maysakit Awit | 41 | Panalangin ng Isang Matanda Na Awit | 71 | Panalangin ng Pagpupuri Awit | 27 ...
Dakilang Pangalan - Jesus Is Lord and God
- Get link
- X
- Other Apps
Dakilang Pangalan Jesus Is Lord and God Ako ay lingkod na taong mahina Subalit pinalakas ng iyong salita Ikaw ang Diyos na tunay at dakila Iligtas mo ako at sa akin ay maawa. Araw at gabi'y dumadalangin Sana'y dinggin itong hinaing Ang paghihirap nitong damdamin Kabigatan sa puso'y iyong alisin. Sinasamba ko ang iyong pangalan At pinupuri ang iyong kadakilaan Tagapagligtas ng aking bayan Ang tahanan ko'y hindi mo pababayaan. Ang Diyos na si Yahweh ay ating luhuran At ating igalang ang dakilang pangalan Ang bayang israel ay kanyang iningatan At pinagtatanggol sa kalaban. Ako'y patawarin sa aking kasalanan Pagkakamali ko'y di namalayan Ang aking pagsamo sana'y maunawaan Humihingi po ako ng kapatawaran. Ang Panginoong Jesus nasa amain ay nagligtas Kailanman hindi siya nagmataas Kadakilaan ang pinamalas Mga himalang nagbibigay lunas.
Boksingero
- Get link
- X
- Other Apps
Boksingero Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales Date Created: 12:30pm - Last Modified: 1:12pm September 6, 2020 Nagdarasal bago lumaban Sa Diyos ang sandigan Nagbibigay kalakasan kapag malakas ang kalaban. Bago simulan ang bakbakan Sinusubok ang kakayahan Para suntok ay maiwasan Kanila munang pinag-aaralan. Isang suntok pinakawalan Mahirap itong pigilan kailangan agad iwasan Para hindi tamaan. May magaspang ang asal Feeling katawan ay bakal Malakas pang mang-asar Kaya pahiya nang tamaan. Bawat suntok na bitawan Parang wala nang pakiramdam Sa dami ng tama sa katawan Nakatayo parin at lumalaban. Nakita mo naman sa katawan Puro muscle ang laman Kung hanap mo sakit ng katawan Parang sinuntok ka ni superman. Sa gitna ng hiyawan Matalim parin ang tinginan Isa lang pumapasok sa isipan Kundi patulugin ang kalaban.