Posts

Si Lord Jesus ang Pag-asa

Image
Jesus is Lord and God. Mateo 4:23-5:12 Juan 15:4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin. Message: Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Promise: Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Command: Mateo 5:12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Warning: Hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin. Application: Kay Lord Jesus tayo umasa sapagkat siya ang ating pag-asa.

Girl, Boy, Bakla, Tomboy

Image
Girl, boy, bakla, tomboy ang lahat ay nagkasala, walang matuwid kahit isa pero ang sabi ni Lord Jesus. "Magaling kana, pinatawad kana, huwag ka nang magkasala uli dahil baka mas masahol pa riyan ang iyong danasin." Iibigin ng Diyos at ililigtas ang taong iibig din sa kanya, kaya nga kung girl, boy, bakla, tomboy ka at nais mong maligtas sikapin mong huwag makipagrelasyon ng hindi kapuri-puri pero kung talagang matigas ang ulo mo at nagpatuloy kapa rin sa masamang pamumuhay ang sabi sa Biblia "Inilaan niya sa kaparusahan lalo na ang mga lumalakad ayon sa laman sa pagnanasa ng karumihan."

Ang Katawan ninyo'y Templo ng Diyos

Image
Ang Katawan ninyo'y Templo ng Diyos  1 Corinto 6:12-20 Message: Ang inyong katawan ay templo ng Diyos. Promise: Muling bubuhayin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Command: Gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos. Warning: Sisirain ng Diyos Application: Huwag makikiapid

Tambay

Tambay Isinulat ni Lawrence R. Gonzales February 12, 2023 Sunday Maglalakad sa kalye Pupunta ng Sine Manonood ng karate Tambay hanggang gabe Ang lamig ng aircon Puedeng matulog maghapon Yung palabas kahapon Uulitin ko ngayon. Bibili ng merienda Kulang ng barya Pagsapit ng umaga Wala nang pera Mahirap walang trabaho Pupunta sa kanto Mauupo sa semento Sa dumadaan nakuntento Palakad-lakad sa palengke Naubusan ng pamasahe Natuksong nakawan yung ale Naisip kong mali yun pare Ayoko ng ganitong buhay Parang laging sablay Yung classmate kong kasabay Maganda na ang buhay. Bukas ng umaga Magbihis ng maganda Sa interview pupunta Para sa trabaho pipila.

Magtiwala kay Lord Jesus

 Jesus is Lord and God... 1 Hari 17:7-16 Pinapunta si Elias sa Sarepta Mateo 6:34 RTPV05 "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na anf inyong mga suliranin sa bawat araw." Message: Huwag ninyong ikabalisa ang araw ng                    bukas Promise: Hindi ninyo mauubos ang harina sa                          lalagyan at hindi rin matutuyo ang                          langis sa tapayan. Command: Ipagluto mo muna ako ng isang                                 maliit na tinapay. Warning: Application: Huwag tayong mabalisa

Pambihirang Kaibigan

Jesus is Lord and God... Isaias 11:2 Mananahan sa kanya ang Espiritu ni Yahweh, ang espiritu ng karunungan at pang-unawa, ng mabuting payo at kalakasan, kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh. Isaias 11:3 Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh. Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig. Message: Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig. Promise: Wala ng mananakit o mamiminsala. Warning: Sa hatol niya'y mamamatay ang masasama. Application: Kagalakan ang sumunod at gumalang kay Yahweh

Awit ni Pedro Penduko

Aking mahal huwag malumbay Saglit lang sayo'y mawawalay Pagmamahal ko'y di magmamaliw Walang hanggan makakapiling muli. Bawat pintig ng puso natin Magkaugnay pati ang landasin Ala-ala ko sa'yo Du kukupas, oh mahal ko.