Online Lending
Tagalog Poems
Tagalog Poems
kaaway kaba o kaibigan ng Diyos?
Itinuro ni Lord Jesus kung paano makakamit ang buhay na walang hanggan.
Message: Juan 17:3 MBB05
Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.
Promise:
Juan 11:26 Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman.
Juan 6:40 At sila'y muli kong bubuhayin sa huling araw.”
Command:
Juan 17:1 Parangalan mo na ang iyong Anak.
Warning:
Juan 17:12 Maliban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan.
Application:
Juan 5:24 RTPV05
“Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan.
Awit ng Pagtatagumpay
Awit 118:1-14, 26-29 Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
Message : Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
Promise : sa pangalan ni Yahweh; magmula sa templo, mga pagpapala'y kanyang tatanggapin!
Command : ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay
Warning : Si Yahweh ang siyangsa aki'y tumutulong laban sa kaaway, malulupig sila
Application : Dapat ihayag na ang pag-ibig ng Diyos ay tunay, laging tapat kailanman.
1 Mga Hari 13 MBB
Sinumpa ang Altar sa Bethel
Message: 3 Sinabi pa niya, “Ito ang tanda na si Yahweh ang nagpapasabi nito: ‘Magkakadurug-durog ang altar na ito at sasambulat ang mga abo na nasa ibabaw ng altar.’”
Promise: 32 Sapagkat matutupad ang mga sinabi niya, sa utos ni Yahweh, laban sa altar ng Bethel at laban sa lahat ng sagradong burol ng Samaria.”
Command: 17 Sapagkat ganito ang utos sa akin ni Yahweh: ‘Huwag kang kakain o iinom ng anuman doon, at huwag ka ring babalik sa iyong dinaanan.’”
Warning: 20 Habang sila'y kumakain, dumating sa matandang propeta ang isang pahayag mula kay Yahweh. 21 Kaya't sumigaw siya sa propetang galing sa Juda, “Ganito ang ipinapasabi ni Yahweh: ‘Sinuway mo ang aking utos; 22 bumalik ka sa iyong dinaanan at kumain ka at uminom dito sa lugar na ipinagbawal ko sa iyo. Dahil dito, ang bangkay mo ay hindi malilibing sa libingan ng iyong mga magulang.’”
Application: Panghawakan natin ang salita ng Diyos dahil yun ang magliligtas at maglalayo sa atin sa kapahamakan. Dahil sa pagkain at pag-inom ay namatay ang Propetang taga Juda na lingkod ng Diyos sa kasinungalingan ng matandang Propeta kaya nga suriin nating mabuti kung ang itinuturo nang iba ay kung galing sa Diyos o sa tao lamang sapagkat ganito ang sabi ni Lord Jesus sa Mateo 15:14 kapag bulag ang umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.”