Tagalog Poems

Pages

Bagong Kasal

Sunday, February 27, 2011



Bagong Kasal
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
February 27, 2011

Tayo ay nagpakasal
Pero ako ay nasakal
Sa luto mo parang bakal
Parang ako'y nagpatiwakal.

Ikaw ay nagluto ng sinaing
Pero ito'y naging uling.
Kahit ipakain sa kambing
Siguradong maduduling

Ako'y nagpaluto ng paborito
Masarap na ulam adobo
Iniwan mo naging tostado
Kaya yung kulay parang chonggo

Aking mahal huwag magalit
Yung luto mo diko nilalait
Ang pagkain natin laging mapait
Katibayan ba ito na ika'y galit.

Bakit noon masarap yung luto
Bakit ngayon tila naglaho
Nagbago ang pakikitungo
O bumibili ka lang ng luto.

Sa tuwing aakyat ng ligaw
May nakahandang masarap sa sabaw
Nakakapawi ng uhaw
Nainggit pati ang langaw.

Aking nalaman ang pinagmulan
Di inaasahang ito'y matuklasan
Sikreto ng pagkain na malinamnam
Inorder lang pala sa restaurant.

Kaya pala masarap ang pagkain
Mabilis karing maghain
Konti lang yung hinain
Masarap kainin.

Mahal kita walang iba
Kahit ulam natin tinapa
Ikaw parin sinta
Mahal kita, mula ulo hanggang paa.


 

Paalam Anak




Paalam Anak - Sweet Denice Gonzales
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales

May pulong sa amin
Kasama kaibigan namin
Sa Gitna ng Kuwentuhan
Misis ko sumakit ang tiyan.

Hating gabi ako ay ginising 
Si Misis, sa sakit dumadaing
Sa bahay agad lumisan
Doktora agad tinawagan. 

Sa hospital ako'y nahimbing
Paggising ko mayroon na kaming supling
Pinatawag ako sa operating
Para sanggol ay aking silipin.

Ako'y nalungkot sa aking nakita
Maraming tao nakapaligid sa kanya
Ang anak ko na sanggol pa
Agad sa akin binawi na.

Habang ako'y lumalapit
Ang puso ko'y parang mapupunit
Parang ako'y hinahagupit
Ang dibdib ko sobrang sakit.

Aking anak gumising ka
Ang iyong ama narito na
Kahit konti umiyak ka
Gusto kong makita na buhay ka.

Maliit mong tinig
Nais kong marinig
Katawan mong malamig
Yayakapin ko ng mahigpit.

Habang ikaw ay aking yakap
Ang luha ko ay pumapatak
Parang ulan na bumabagsak
Napapasigaw ng malakas.

Kailangang tanggapin
Masakit man sa damdamin
Ang Diyos ay mabuti parin
Sapagkat siya ang iyong makakapiling.

Pamahiin, Halimbawa at Paliwanag

Friday, February 18, 2011

Ang pamahiin ay ang mga paniniwala ng mga matatanda na may relasyon sa mga ginagawa natin at nakikita natin, isang paniniwala na walang basehan kung ito ay totoo o hindi o nagkataon lamang. 

Higit na mabuti kung makikinig tayo sa mga pamahiin na may magagawang mabuti para sa atin upang tayo ay manatiling ligtas at malayo sa kapahamakan.






Mga Bugtong at Halimbawa

Thursday, February 17, 2011

Ano ang Bugtong? 
sagot: Palaisipan, Pahulaan

Ang bugtong ay isa ring laro ng patalasan ng isip dahil kailangan mong hulaan ang sagot nito, puedeng laruin ng mga bata o matatanda habang kayo ay nagpapahinga o nag-uusap ng iyong mga kaibigan, kalaro at kapamilya. Ang larong palaisipan na tulad nito ay masayang laro at mayroon kang matutunan tulad ng mga bagay na hindi mo alam.  




                                  15Isang Balong Malalim, punong puno ng patalim.
                                        Sagot: Bibig

                                  16. Kung araw ay buka, kung gabi ay sara.
                                        Sagot: Bintana

                                  17. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo.
                                        Sagot: Pako

                                  18. Kabiyak na suman, magdamag kong binantayan.
                                        Sagot: Suman

                                  19. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
                                        Sagot: Sumbrero

                                  20. Apat na magkakapatid, sabay sabay ng sumisid.
                                        Sagot: Tinidor

 

 


Tula ng Pasasalamat

Tuesday, February 8, 2011



Tula ng Pasasalamat
Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales
February 8, 2011

Kapag puso'y tumugon
Isip ay babangon
At hindi maglalaon
Pintig ng puso'y tatalon.

Tangi kong dalangin
Sana tula ay palarin
Sana ay tangkilikin
Kahit minsan ay basahin.

Sana ay mapansin
Tulang may damdamin
May mabuting hangarin
Laman ng puso ay dinggin.

Mamaraming salamat sa pagbisita
Sa website kong pinaganda
Upang maging kahali-halina
Para sa taong mambabasa.

Maraming salamat sa comment ng lahat
Aking damdamin nailalahad
Sa maikling sulat na may pamagat
Tulad ng kuwento ng mga alamat.

Sa aking tula may nagpasalamat
Nakatulong maghilom kanilang sugat
Minsan nahimbing at ako'y nagulat
Nais ko palang maging manunulat.

 Isinulat ni: Lawrence R. Gonzales
Makatang Pinoy - February 8, 2011

Followers

 

Donate Now

Gcash# 09560993325

Search This Blog

Tagalog Poems

Ads 200x200

Ads 200x200